^

Pang Movies

GMA Network tuluy-tuloy sa Kapuso Kombo Panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasunod ng tagumpay ng Kapuso Milyonaryo Todo Papremyo, isang panibagong promo campaign ang hatid ng GMA Network para sa mga masusugid nitong manonood ngayong Setyembre – ang Kapuso Kombo Panalo.

Sa unang pagkakaton, maaaring mamili ang mga Kapuso vie­wers sa tatlong packages na pwedeng mapanalunan – isang eskuwela package, appliance package o grocery package na nagkakahalaga ng P15,000 hanggang P30,000.

Labing-anim (16) ang mananalo ng Kombo prize, habang 56 naman ang mananalo ng tig-P5,000 bawat linggo. 

Para sumali, isulat lamang sa papel ang pangalan, tirahan, edad, contact number, pirma at Kombo prize na gustong mapanalunan, at ilagay sa isang envelope kasama ang proof of purchase (POP).

Sa likod ng envelope, isulat ang Kapuso Kombo Panalo, brand na kalakip ng entry, at area kung saan nakatira (NCR, Luzon, Visayas, o Mindanao).

Maaaring ihulog ang mga entries sa mga dropbox na mata­tagpuan sa mga GMA TV at Radio stations sa buong bansa mula Sept. 16 to Oct. 13.

Kasama ng GMA sa pinakabago nitong network promo ang Plemex, Nestea, Wilkins Distilled, Maggi, Bingo, Lucky Me Pancit Canton Sweet & Spicy, MONDE Special Mamon, WOW Happy Hotdog, at Bear Brand Powdered Milk Drink.

Ang mga magwawagi ay ia-anounce sa GMA at GMA News TV at makakatanggap din ng abiso mula sa GMA.

Para sa karagdagang detalye sa pagsali, abangan ang mga Kapuso Kombo Panalo mechanics plug at POP plugs ng mga sponsor o tumawag sa promo hotline sa 922-7372 (Metro Manila) o 1800-10-922-7372 (outside Metro Manila). Mayroon ding mga promo poster na matatagpuan sa mga GMA TV at GMA Radio stations nationwide.

 

vuukle comment

GMA

HAPPY HOTDOG

KAPUSO KOMBO PANALO

KAPUSO MILYONARYO TODO PAPREMYO

KOMBO

LUCKY ME PANCIT CANTON SWEET

METRO MANILA

SPECIAL MAMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with