^

Pang Movies

Bahay sa Amerika ibinibenta ng P120 M Pacman pordoy na?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos matalo sa ilang huling laban ay pinag-iisipang pordoy na ang People’s Champ na si Rep. Manny Pacquiao. Kamakailan kasi ay lumabas na ibinibenta ang magandang bahay sa Amerika ni Pacman. Ayon sa www.realtor.com, nakalista sa kanila ang ibinibentang bahay sa Los Angeles, California. Binili ito ng boxer-congressman sa Hancock Park sa halagang $2.17 million noong 2009 nang ma-knockout niya si Ricky Hatton.

May limang kuwarto at anim na banyo ang may halos 4,275 square feet na mansion na ipinagbibili na ngayon sa halagang $2.7M na kung iko-convert sa Philippine peso ay nagkakahalaga ng P119,137,500.

Noong December 2010 ay naipakita pa sa Cribs segment ng MTV ang kanyang LA house. Ito rin ang nasabing bahay na, dahil hindi naman laging inuuwian ng mag-asawang Pacquiao, ay minsang nahuli ng mga pulis na pinapasok ng apat na magnanakaw habang nagpa-patrol sa paligid. Hindi naman tuloy ang pagkuha ng mga gamit dahil naagapan nga. Nataon kasing nasa Pilipinas si Pacman noon at nag-eensayo para sa susunod na laban.

At ngayon nga ay mina-malisya ng ibang Pinoy na bankrupt o nalulugi na ang Pambansang Kamao dahil binibitawan na niya ang bahay sa LA.

vuukle comment

AMERIKA

AYON

BINILI

HANCOCK PARK

LOS ANGELES

NOONG DECEMBER

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO

RICKY HATTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with