^

Pang Movies

Pero sampalan itinanggi: Aktor nabuwisit na sa kaeksenang aktor na bobong umarte

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

It’s not true na may sampalang nangyari sa isang eksena between the two actors involved. It’s just that nahirapan ang isa sa kanila na magbigay ng reaction sa kanyang eksena na ikinainis ng kasama niya. Totoo kayang inabot sila ng ilang takes pero wala talagang mapiga sa acting ng aktor ang director nila kaya nagalit na ang kaeksena niya at napagsalitaan na siya ng masakit?

 Hindi pala siya sanay na napagsasabihan at napahiya na rin siya sa bumubuo ng staff pero siya pa ang may ganang magalit at mag-tantrum pagkatapos.

Gary V. concert nagpaulan ng big hits

Type namin ang very intimate concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na Tuesdays With Gary na ginanap sa Teatrino, sa Promenade, Greenhills, San Juan City. In celebration ito ng birthday ni Gary V. last Aug. 6 at every Tuesday evenings until September (o baka raw ma-extend pa ito bago dalhin sa abroad ang concert). Sa mga pasabog at magarbong stage, si Gary V. lamang talaga and his guests ang focus ng show.

Special guests sa first night ang AKA Jam na siyang nag-front act at nakipag-duet din sa kanila si Gary ng Boogie Wonderland and Ladies Night at pagkatapos ang mga favorite naming song ni Gary na I’ll Write a Song For You, For Once In My Life, realization medley like Somewhere Down the Road, There’s No Easy Way to Break Somebody’s Heart, She’s Out of My Life, na alam naman natin na most of the songs ay dedicated niya sa wife niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano.

At siyempre, hindi rin puwedeng mawala ang mga teleserye medley like Natutulog Ba ang Diyos, Tayong Dalawa, Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan na sinasabayan ng audience ang pagkanta niya.

Isa pa rin sa special guests si Julianne, isang acoustic singer at contract artist ng Genesis Management. Kung gusto ninyong ma-experience ang naiibang concert na ito ni Gary V., why not watch Tuesdays With Gary on Aug. 20, 27, Sept. 3, Sept. 10, Sept. 17, Sept. 24, at 8:00 p.m. (in fairness on time sila nagsimula ng concert) at kayo na ang magsabi kung hindi ninyo ito ii-enjoy. Hindi lamang ang isinulat naming mga kinanta ni Mr. Pure Energy, mas marami pa kayong magugustuhan sa mga iba pa niyang kakantahin.

Marian ibubuking ang mga sikreto ng dalawang kaibigan at ni Dingdong

Wala pa ring kapaguran ang Primetime Queen ng GMA Network,  Inc. na si Ma­rian Rivera kahit kababalik lamang nila ng boyfriend na si Ding­dong Dantes sa three-day Bali Indonesia trip, nasa Davao na siya for a special fans’ day sa Atrium ng Gaisano Mall kaugnay ng Kadayawan Festival. 

At para naman sa fans ni Marian dito, mapapanood siya sa pagsubaybay sa kanyang activities ng dalawa sa very close friends niya, sina Boobay at Ana Feleo, sa Follow that Star mamaya, 8:00 p.m. sa GMA News TV. Maraming sikretong ibubuking ang dalawang friends niya at ni Dingdong.

 

vuukle comment

ANA FELEO

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

BALI INDONESIA

BOOGIE WONDERLAND AND LADIES NIGHT

BREAK SOMEBODY

GARY

GARY V

TUESDAYS WITH GARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with