^

Pang Movies

Pip binibitin ni Nora, lumayas na naman

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi pa rin pala tapos ang telemovie ng love team nina Nora Aunor at Tirso Cruz III na When I Fall In Love ng TV5 dahil na-postpone ang taping nang magkasakit noon si Guy. Then nagkaroon ng revision ng script dahil may possibility na maipalabas ito sa mga cinema. Pero last week, umalis pala si Guy for the States at pabalik pa lamang next week. 

Ayon naman kay Pip, nang makausap namin sa launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2013, narito lamang siya at wait lamang niya kung kailan sila magri-resume ng taping under Joel Lamangan. Kaya lamang, kailangan na ulit humingi ng permission ang executive producer ng show sa ABS-CBN dahil natapos na ang days na ibinigay nila sa TV5. 

Sa ngayon kasi, busy si Pip dahil last weekend na ng musical play na Katy with Isay Alvarez, Aicelle Santos, at Dulce sa Meralco Theater sa Ortigas, Pasig City. Sunud-sunod na rin ang taping ni Pip ng Huwag Ka Lang Mawawala na magtatapos na sa Aug. 23.

Alden nahihirapang mag-aral bumaril

Medyo hirap si Alden Richards sa dalawang project na ginagawa niya nga­yon. Kung sa primetime drama nilang Mundo Mo’y Akin with Louise delos Reyes at Lauren Young ay madalas ang dramatic scenes niya dahil naging masaya man siya dahil muli silang nagkabalikan ni Marilyn (Louise) ay naroon naman ang laging panlalait sa kanya nina Madam Charito (Jaclyn Jose) at Ziggy (Gabby Eigenmann) na hindi matanggap na ang isang oportunistang tulad niya ay maging boyfriend ni Marilyn.

Mas mahirap ang paghahanda ni Alden sa pagganap niya as the young Robin Padilla as they portray the role of Sen. Panfilo Lacson sa Sampung Libong Oras na entry sa coming Metro Manila Film Festival sa December. 

Isa sa pinaghahandaan ni Alden ay ang paghawak ng baril. Ang kaso, left-handed siya pero right-han­ded ang character na gagampanan niya. Hindi naman pumayag ang trainor ni Alden at si Direk Joyce Bernal na hindi ang right hand niya ang gamitin sa paghawak ng baril. Pero excited si Alden kahit hindi sila magkakasama ni Robin sa eksena dahil dumadalaw naman ito sa shooting niya. Isa ring wish ni Alden, ma-meet nang personal si Sen. Lacson.

Edgar Allan hindi na naman mahagilap

Maraming naghahanap kay Edgar Allan Guzman sa Cinemalaya International Film Festival dahil dati ay laging may entry ang mahusay na aktor. Kahit ang manager niyang si Noel Ferrer ay hindi alam ang whereabouts ng kanyang talent. Totoo kayang na-in love na naman si Edgar Allan at mas gusto nitong sumunud-sunod kay Shaira Mae na finalist noon ng Artista Academy kaysa magtrabaho? 

Sayang, hindi pa natuto si Edgar Allan nang mun­tik na siyang i-junk ng manager niya noon kung hindi siya tumigil sa pakikipagrelasyon sa isang Sexbomb dancer at napapabayaan na ang work niya.

Mamayang gabi, closing film ng Cinemalaya ang docu-drama na Burgos na nagtatampok kay Lorna Tolentino as Mrs. Edith Burgos at si Rocco Nacino as Jonas, sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines. 

 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ARTISTA ACADEMY

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

EDGAR ALLAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with