^

Pang Movies

Kalaswaan sa mga mumurahing motel, pinagsama-sama sa isang pelikula!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tungkol sa mga gumagawa ng sex video scandal ang Porno ni Adolf Alix, Jr. Sa mga motel kasi sila kinukunan, lalo na sa mga mumurahing motel. Ganun ang nangyari sa mga karakter nina Yul Servo at Rosanna Roces, Janvier Dailey, at Adriana Gomez.  Hindi nila alam na kinukunan sila habang nagla-lovemaking.

Pinuri ni Direk Adolf si Osang dahil game na game ito sa sex scenes niya. Walang kaarte-arte.

Samantalang hindi naglagay ng plaster si Yul. Nakiusap lang siya dahil Manila-councilor siya. ’Wag lang daw siya i-frontal. Hindi naglagay ng plaster si Yul pero medyas ang ginamit niya sa kanyang ari. Ganun ba kalaki ’yan para medyasan?

Gusto naming tingnan dito si Angel Aquino bilang isang operadang bakla na mahilig magkolekta ng mga porno. Ipapakita rin daw ang maselang ari ni Angel matapos siyang operahan. Makalusot kaya ito sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board)?

Cloie hindi na excited makita si Gabby

Tulad ng half-sister niyang si KC Concepcion at Garrie Concepcion, papasukin din daw ni Cloie Concepcion ang showbiz. Nakapirma na kasi siya ng contract sa Viva.

Pero Cloie Skarne ang ginagamit niya ngayon. Ayaw niya ng “Concepcion” at hindi siya intresadong makita ang tatay niyang si Gabby Concepcion.

“I haven’t seen him since I was a baby. What is so exciting about seeing him?” sabi ni Cloie.

Hindi siguro pinalaki ni Jenny Syquia ang kanyang anak na kilalanin at mahalin ang tunay na tatay noong nasa ibang bansa pa sila.  Taga-Sweden ang stepfather ni Cloie.

Pilita hindi gaanong tumatanda ang hitsura

Super successful ang concert ni Pilita Corrales sa Teatrino sa Greenhills, San Juan City kamakailan. Sinuportahan siya ng ilang artista gaya nina Azenith Briones, Maribel Lpez, Evangeline Pascual, at iba pa.

Magsi-74 years old si Pilita sa Agosto 22.  ‘Di pa namin alam kung magbi-birthday concert siya.

Aba, para makarating sa ganun0g edad at hindi pa gaanong tumatanda ang hitsura at katawan, isa itong blessing na maituturing!

Sakaling ibigay sa kanya ang National Artist for Music, tanggapin kaya niya? 

“Huwag na lang, baka kunin ulit,” patawang sagot niya.

Binawi kasi kamakailan sa mga recipient ng National Artist award gaya nina Cecile Guidote-Alvarez, Pitoy Moreno, Francisco Manosa, at Carlo J. Caparas ang mga karangalan na naibigay noong panahon ni Pres. Gloria M. Arroyo.

Nakalulungkot nga ang pangyayari. Kaya hindi mo masisisi ang gaya ni Ms. Pilita Corrales na mangamba.

                                        

 

vuukle comment

ADOLF ALIX

ADRIANA GOMEZ

ANGEL AQUINO

AZENITH BRIONES

CARLO J

CLOIE

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with