^

Pang Movies

Dahil sa kapwa lalaking karelasyon,aktor narArating na ang mga bansang dati ay pangarap lang

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang gustong kunin ang serbisyo ng sexy actor para sa ilang indie film projects. Pero hindi ito mahagilap dahil parati raw nasa bakasyon kasama ang kanyang gay lover/benefactor.

Ilang roles na ang napakawalan ni sexy actor dahil mas gusto nitong bumiyahe kasama ang kanyang gay lover/benefactor. Kasi nga naman, libre na nga ang pamasahe ay may matching shopping pa sila.

Kaya marami nang magagandang roles sana ang nagawa ni sexy actor pero dedma lang. Kapag sinabi ng kanyang lover na aalis sila, tatalikod na si sexy actor sa mga project na dapat ay para sa kanya.

Bakit nga naman siya magtitiyaga sa maliit na talent fee at magpuyat ng magdamagan sa set kung pagpapasarap naman ang ginagawa niya parati kasama ang kanyang gay lover?

Nararating na niya ang mga bansa na noon lang ay pinapangarap niyang mapuntahan. Kaya hindi niya ito ipagpapalit sa paggawa lamang ng ilang indie films.

Ipinagdarasal lang ni sexy actor na hindi siya pagsawaan ng kanyang gay lover/benefactor para tuluy-tuloy ang dating ng grasya sa kanya. Huwag raw sanang mabighani sa ibang mas batang aktor or else maiitsapuwera na siya at iba na siyempre ang makakasama ng rich beki sa pagbibiyahe.

Rich naiilang na kay Ervic

Naging matapat si Rich Asuncion sa pagsabing “civil” sila ng kanyang ex-boyfriend na si Ervic Vijandre nang magkatrabaho sila ulit sa bagong early primetime series ng GMA 7 na Binoy Henyo. Pero inamin din niya na medyo nakakailang nga ang naging sitwasyon nila ng aktor noong kunan ang mga eksena nilang magkasama.

Oo naman, medyo awkward ang lahat kasi matagal din kaming hindi nagkita ni Ervic pero may communication naman kami. ’Yun nga lang, iba pa rin kapag nagkita kayo ulit ‘tapos hindi na nga kayo magkarelasyon. Eh ’yung mga tao pa sa set, mahilig manukso sa amin kaya lalo akong nakaramdam ng awkwardness,” pag-amin ni Rich.

Kaya na-break na ang ice sa pagitan nila noong biruin na rin siya ng ex-boyfriend. Natawa naman si Rich kaya naging okay na sila sa taping.

Glee actor na si Cory kumpirmadong namataysa kombinasyon ng droga at alak

Lethal combination ng heroin at alcohol ang siyang naging dahilan nang pagkamatay ng Glee star na si Cory Monteith. Natagpuang patay ang 31-year-old actor sa loob ng isang hotel room ng Fairmont Pacific Rim Hotel sa Vancouver, Canada noong July 13. Sa naging autopsy results, nakita nga na ang aktor ay namatay dahil sa “mixed drug toxicity.”

Ang British Columbia Coroners Service ang nagkumpirma na ang delikadong kombinasyon ng droga at alak ang cause of death ng TV star na lumabas lang sa rehab noong Abril.

Ang mga kaibigan ni Cory sa Glee ay ginawa ang lahat para ilayo siya sa kanyang bisyo habang nagtatrabaho sila sa Los Angeles, California. Pero kapag umuwi na sa kanila sa Vancouver, doon daw ulit nati-trigger ang kanyang bisyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang kanyang girlfriend na si Lea Michele na pumanaw na ang pinakamamahal niyang aktor.

 

 

vuukle comment

ACTOR

ANG BRITISH COLUMBIA CORONERS SERVICE

BINOY HENYO

CORY MONTEITH

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

KANYANG

KAYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with