^

Pang Movies

Derrick gusto nang makahalik kay Barbie

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkasunod ang birthday ng magka-love team na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, July 31 ang teen actress at Aug.1 ang huli. Magkasama sila sa teleseryeng Anna Karenina ng GMA 7 kaya mas lalong nagiging close at sweet sa isa’t isa ang dalawa at marami ang nagsasabing in real life ay mag-sweetheart na sila.

 â€œPero wala sa point na magi­ging kami. Wala pa sa utak namin,” saad ng binata nang makausap namin sa taping nila sa Tanauan, Batangas recently.

Gumaganap si Derrick bilang si Aldrin — isang responsableng panganay na anak nina Ruth (Valerie Concepcion) at Abel (Neil Ryan Sese). Magbabago ang kanyang seryosong mundo nang makilala niya ang masayahing si Karen (Barbie).

Wala pa bang ligawan na nagaganap sa kanila?

“Hindi pa po. Hindi pa. Iniisip ko kung minsan pero timing-taymingan lang din po. Kung feeling ko may pag-asa, eh di go! Kung wala, eh di hindi.”

Ano ang gustung-gusto niya kay Barbie?

 â€œSiguro po ’yung pagiging maalaga lang. She’s really a nice person inside and out,” puri pa ng Derrick.

Eh paano mo naman inaalagaan ang dalaga?

 â€œSiguro po ‘yung ipinagtatanggol ko siya. Kapag may kasiraan sa kanya, I’m here to protect her kasi alam ko naman po ang totoo,” say ni Derrick.

 Since birthday ng special friend niya, may naiisip na ba siyang gift?

 â€œNaku, wala pa. Mahirap magregalo kay Barbie. Parang wala na siyang kailangan sa buhay. Kaya medyo mahirap. At saka hindi pa po siya nagpaparinig,” hirit ng young actor.

Ang jacket na GAP na niregalo raw niya kay Barbie ay galing sa pagpaparinig at gayun din ang regalo sa kanyang shades.

Ano naman ang gusto niyang iparinig kay Barbie ngayon?

 â€œKiss!” ang mabilis niyang sagot sabay bawing nagbibiro lamang siya.

 

vuukle comment

ANNA KARENINA

ANO

BARBIE

BARBIE FORTEZA

DERRICK MONASTERIO

NEIL RYAN SESE

SIGURO

VALERIE CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with