^

Pang Movies

Coco ‘di pa matupad ang pangarap na bakasyon sa Bora

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nagbigay ng thanksgiving luncheon si Sen. Sonny Angara sa entertainment press. Pinasalamatan niya sina Mother Lily Monteverde at Coco Martin sa suporta sa kanyang kandidatura.

Say ng batang senador, tutuparin niya ang pangako sa aktor na trip to Boracay kasama ang pamilya bilang pasasalamat.

Pero busy pa si Coco sa taping ng Juan dela Cruz kaya ’di pa makaalis.
Nagpasalamat din si Sen. Sonny kay Sarah Geronimo sa suporta.

Ayon pa rin kay Sen. Angara, 15 bills ang agad-agad na nai-file at priority niya ang education at scholarship para sa mahirap na pamilya. Ipagpapatuloy pa rin ni Sen. Sonny ang programa ng amang si Sen. Edgardo lalo na ang edukasyon at para sa kapakanan ng senior citizens.

Ex-GF ibinuking ang maraming bantay ni Jake

Nakakuwentuhan namin si Joanne Marie Tan na gumaganap na kontrabida sa Anna Karenina. Napansin ang acting niya sa Stairway to Heaven kaya nabigyan ng magandang break sa Anna Karenina.

Okay lang na ma-typecast na kontrabida dahil para sa kanya ay challenging ang karakter na ginagampanan bukod pa sa maraming nakalinyang trabaho sa GMA 7.

First year college na si Joanne sa kursong hotel and restaurant management pero nahinto siya at nagpa-planong ipagpatuloy kapag nalibre sa showbiz commitments.

Ibinuking niya ang relasyon dati kay Jake Vargas na tumagal ng pitong buwan. Mabait naman ang aktor at inaming never nakialam sa kanilang relationship si German Moreno, manager ni Jake.

Kaya lang maraming nakabantay kay Jake, ayon kay Joanne, kaya ’di rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Kristoffer maaasahan na sa pag-arte

Tiyak na tuwang-tuwa si Joyce Ching sa boyfriend na si Kristoffer Martin dahil nanalo nang best supporting actor (honorable mention) ang young actor sa 16th Long Island International Film Expo sa New York, USA dahil sa pagganap sa Oros.

Ang Oros din ang nanalo bilang best feature film sa film festival sa Washington.

vuukle comment

ANG OROS

ANNA KARENINA

COCO MARTIN

GERMAN MORENO

JAKE VARGAS

JOANNE

JOANNE MARIE TAN

JOYCE CHING

KRISTOFFER MARTIN

LONG ISLAND INTERNATIONAL FILM EXPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with