^

Pang Movies

Teen actor pinangangambahang masisira ang career dahil sa madir na baliw sa karelasyong boylet

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang natatakot para sa sikat na teen actor dahil baka makasira sa kanyang kasikatan ngayon ang pakikipagrelasyon ng kanyang ina sa lalaking mas bata pa rito.

Balita kasing nahuhumaling ang ina ni teen actor sa kanyang boyfriend at madalas na nawawala kasama ang karelasyon na boylet.

Worried ang mga concerned sa teen actor dahil alam nitong very protective ito sa kanyang ina at baka umabot pa sa hindi maganda kapag masaktan ulit emotionally ang kanyang ina.

 Pero mukhang masaya naman ang kanyang ina sa kanyang karelasyon. Claim pa nga ng ina na kilala na ito ng kanyang mga anak, lalo na ng anak niyang teen actor, kaya walang problema.

Sa ngayon ay walang problema pero paano nga kung magkaroon na ng problema? Sino ang luhaan kung sakaling magwakas na ang relasyon?

Ngayon ay nagtitimpi lang ang teen actor. Hangad din niya na maging maligaya ang kanyang ina. Pero kung alam nitong masasaktan lang balang araw ang kanyang mommy dearest dahil sa karelasyon, nais na niyang pigilan.

Ritz napapanganga sa appeal ni Daniel

Natatawa na lang si Ritz Azul sa pagkaka-link niya ngayon kay Daniel Matsunaga. Sila kasi ang magkatambal sa isla-serye ng TV5 na Misibis Bay.

Sabi ay naaalala ni Daniel ang ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista kapag nakikita si Ritz. Chinita at makinis din kasi si Ritz na tulad ni Heart.

Pero si Ritz na ang nagsasabi na professional lang ang pakikipagtrabaho niya with the Brazilian-Japanese model- actor.

“Mabait kasi si Daniel at okay siyang katrabaho. Naging close kami dahil sa taping namin ng Misibis Bay. Hanggang work lang talaga kami. Ako, personally, ayoko munang ma-link kahit kanino. Mas gusto ko munang magtrabaho at pagbutihan ang aking career,” sabi ng Kapatid teen star.

Pero inamin ni Ritz na kakilig-kilig nga si Daniel dahil bukod sa mabait ito, saksakan pa ng guwapo at macho.

“Kahit sinong girl naman talagang mapapanganga kapag nakita at makatrabaho si Daniel up-close.

“He’s really a handsome guy and he is so nice. Napaka-gentleman pa. Kaya any girl will really fall for him,” sabi pa ni Ritz.

Oprah nag-donate ng $12M sa museum

Pinatunayan ni Oprah Winfrey ang kanyang pagiging bonggang pilantropo dahil sa kanyang pag-donate ulit ng malaking halaga para sa Smithsonian’s National Museum of African American History and Culture.

Tumataginting na $12 million ang naging donation ni Winfrey sa naturang museum at tinalo nga niya ang naging unang donasyon niya na $1 million noong 2007.

Dahil sa generosity ni Winfrey, ipapangalan ang isang 350-seater ng museum sa kanya.

Bukod sa kanyang pag-donate ng pera, kinuha ring adviser si Winfrey ng naturang museum for more than 10 years na.

“I am so proud of African American history and its contributions to our nation as a whole. I am deeply appreciative of those who paved the path for me and all who follow in their footsteps.

“By investing in this museum, I want to help ensure that we both honor and preserve our culture and history, so that the stories of who we are will live on for generations to come,” sabi pa ni Oprah.

Malaki ang pasasalamat ng museum founding director na si Lonnie G. Bunch: “Part of getting a museum built is … helping all people see how important it is. Oprah Winfrey is someone so many people in America admire, and I think this is an important moment to the museum.

 â€œEvery donation, whether  $25 or a $10-million corporate donation, is important. But truly, there’s only one Oprah Winfrey.”

vuukle comment

AFRICAN AMERICAN

DAHIL

DANIEL MATSUNAGA

KANYANG

MISIBIS BAY

MUSEUM

OPRAH WINFREY

PERO

WINFREY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with