^

Pang Movies

Welcome na welcome sa pamilya Ruffa nagsalita na sa ‘panganganak’ ni Sarah

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay ng komento ang kapatid ni Richard Gutierrez na si Ruffa Gutierrez hinggil sa isyu na kumakalat ngayon sa showbiz na diumano’y magiging ama na ang kanyang kapatid. May balita kasing kaya umalis ng bansa at lumipad pa-Switzerland ang Kapuso actor ay dahil may balitang magsisilang o isinilang na raw ni Sarah Lahbati ang anak nila ni Richard.

Sa kasalukuyan ay may existing warrant of arrest na ang Star Struck alumna na maaaring i-serve sa kanya kung babalik siya ng bansa. Ito ay kaugnay ng kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng GMA Films president na si Annette Gozon-Abrogar.

Sa interview ng TV Patrol noong Lunes ay sinabi ni Ruffa na wala siya sa posisyon upang sagutin ang isyu dahil hindi pa niya nakakausap ang kapatid tungkol dito.

 â€œI can’t comment on that because I haven’t seen the alleged new addition to the family. Once I see with my own two eyes… I’ve never actually asked Chard about it because during the time when the news came out wala akong naramdamang stress sa aming pamilya na namomroblema sila,” sabi pa ng napakagandang beauty queen at aktres na si Ruffa.

Ayon pa sa actress-TV host, kung may katotohanan man ang isyu, malalaman niya ito mula mismo kay Richard.

“I saw Chard in Cebu during Easter and he was happy. Everyone was so happy. Feeling ko hindi totoo ’yung tsismis because feeling ko naman they would tell me just in case na totoo,” sabi ni Ruffa.

Sambit pa nito, mas magiging “proper” daw kung ang balita ay mismong mang­galing kina Richard at Sarah kung sila nga ba ay magiging mga magulang na.

 â€œHindi naman puwedeng itago ang isang sikreto. If ever there is a child I’m very happy and we should consider it a blessing if there is one.

“Huwag naman natin sila unahan. Can I ask him first?” nakangiting pahayag pa nito.

Sabi pa ni Ruffa, galing sa maayos na pamilya si Sarah at susuportahan niya ang dalawa kung may plano na nga silang lumagay sa tahimik.

“For me Sarah is a very nice girl. She is really welcome in our family.

“If Richard sees having a future with her I would definitely support them because nakita ko na galing sa mabuting pamilya si Sarah at mahal na mahal si Chard,” dagdag pa niya.

Bago umalis si Sarah sa Pilipinas ay kapwa na nila itinanggi ni Richard na nagdadalang-tao ang young actress. Pero wala nang naibigay na pahayag ang aktor hinggil dito matapos na umalis ang girlfriend.

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

CAN I

IF RICHARD

ONCE I

RICHARD GUTIERREZ

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

STAR STRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with