^

Pang Movies

AiAi maagang naharap ang trauma

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Inabangan ang interview ni AiAi delas Alas kahapon sa The Buzz. Maraming nakisimpatya sa dinanas ng komedyante at awang-awa ang mga nakapanood nang marinig ang lahat na ginawang panloloko at pananakit ng kanyang asawa.

Kitang-kita na bumagsak agad ang katawan ni AiAi at naging himpis ng kanyang pisngi dahil sa pinagdadaanan nito ngayon.

At least, maagang natauhan ang komedyante sa kanyang kalagayan dahil isang buwan pa lang silang ikinasal. Mabuti rin at maaga niyang naharap ang kanyang “takot, galit, at trauma” na siyang nasambit ni AiAi sa interview dahil sa tinamong pagmamalupit ng nonshowbiz na mister.

Eula hindi pa naiisip pakasalan ang BF

Iba naman ang kaso ni Eula Valdez dahil gusto na siyang pakasalan ng dwoya niyang si Rocky Salumbides, kaso hindi pa pala annulled ang kasal ng aktres sa dating niyang asawa.

May mga classmate si Eula na lawyer na inaalok pa siya ng libreng serbisyo para mai-process na ang kanyang annulment case, kuwento ni Eula.

Hindi pa raw kasi naiisip ni Eula na magpakasal uli kahit five years na sila ng kanyang dyowa na ideal husband kung sakali dahil super maalaga raw si Rocky sa kanilang mag-iina.

Aki ayaw bumalik sa Japan

’Katuwa si Aki Torio, ang Japanese na young actor, dahil straight na siyang magsalita ng Tagalog hindi tulad ng dati na bulol pa siya mag-Tagalog. Kaya puwedeng-puwede na siyang isabak uli ng Viva Films sa mga gagawin nilang movie.

Ang kaso pinauuwi na siya ng kanyang stepdad sa Japan at pinapipili siya kung gusto niyang mag-aral sa Singapore o sa Amerika. Halos anim na taon na palang namamalagi sa bansa si Aki at concerned lang naman sa future niya ang kanyang stepfather.  

Pero mapilit si Aki na manatili sa bansa kahit alam niyang worried sa kanya ang pamilya. Imbes na sumuko ay na-challenge pa siya at naghihintay ng magandang project na ibibigay sa kanya ng Viva.

vuukle comment

AKI

AKI TORIO

AMERIKA

DAHIL

EULA

EULA VALDEZ

IMBES

KANYANG

ROCKY SALUMBIDES

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with