^

Pang Movies

Coco puring-puri ni Sonny Angara!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Umapir kahapon si Senator Edgardo Angara sa presscon ni Mother Lily Monteverde para sa kanyang anak na si Congressman Sonny Angara.

  Matagal nang magkakilala at magkaibigan sina Mother at Sen. Ed.

Nagpatawag din noon si Mother ng presscon nang kumandidato ang senador. Bagets pa lang si Papa Sonny kilala na ito ni Mother Lily dahil karay-karay siya ng tatay niya sa presscon ni Mother.

May connect din sa showbiz si Tootsy, ang misis ni Papa Sonny. Working si Tootsy sa marketing de­partment ng ABS-CBN. Hawak niya ang entertainment shows ng Kapamilya Network.

Si Tootsy ang gumawa ng pa­raan at humingi ng tulong sa Star Magic para iendorso nina Coco Martin at Julia Montes ang senatorial bid ng kanyang loving husband.

Ipinangampanya ni Kris Aquino ang senate can­didacy ni Papa Sonny na very thankful dahil sa suporta sa kanya ng presidential sister.

Hindi lang si Kris ang showbiz personality na sumusuporta sa kandidatura ni Papa Sonny.

Number one supporter ni Papa Sonny si Coco.

Ang sabi niya, magiging icon sa local entertainment industry si Coco dahil sa talent at charisma nito.

Witness si Papa Sonny sa mass adulation kay Coco na pinagkaguluhan sa lahat ng mga lugar na pinuntahan nila.

Idinenay uli kahapon ni Papa Sonny ang isyu na binayaran niya ng P35 million para suportahan siya.

 Inulit ni Papa Sonny na walang kapalit na talent fee ang serbisyo ni Coco.

Libre ang pangangampanya ng aktor at kung sa­kaling manalo si Papa Sonny, tutuparin niya ang promise na Boracay vacation ng aktor at ng pamilya nito.

Mga kandidato pahinga na sa sabado

Pahinga na sa Sabado ang lahat ng mga kandidato dahil hanggang sa Biyernes na lang ang campaign nila.

Uuwi si Papa Sonny at ang kanyang pamilya sa Baler, Aurora dahil dito sila boboto sa May 13.

Dinarayo ng mga turista at artista ang Baler dahil sa surfing.

Ikinuwento ni Papa Sonny na adopted son na ng Baler si Jericho Rosales. Napapadalas na rin ang pagpunta ni Dennis Trillo sa Baler dahil surfing din ang kanyang sport.

Senator ED, may OPM!

 Type ko ang OPM ni Sen. Ed na kapag nanalo ang kanyang anak sa darating na eleksiyon, ilili­bre niya sa Baler ang entertainment press.

Looking forward ang showbiz press sa Baler trip na pangako ni Senator Ed dahil sa magagandang naririnig nila tungkol sa bayan na pinagmulan ng mga Angara.

 

vuukle comment

COCO MARTIN

CONGRESSMAN SONNY ANGARA

DAHIL

DENNIS TRILLO

JERICHO ROSALES

JULIA MONTES

PAPA

PAPA SONNY

SONNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with