^

Pang Movies

Mark umaming nag-iipon na para makabili ng condo na titirhan nila ni Ynna

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ni Mark Herras na naging waldas siya sa kanyang pera noong unang pinahawakan sa kanya ang kanyang savings simula noong kumita siya bilang kauna-unahang Starstruck Ultimate Male Survivor.

Naubos daw niya halos kalahati ng kanyang inipong pera sa kaka-shopping.

“Aminado naman akong naging pabaya ako. Hindi ko naisip na pinaghirapan kong pagtrabahuan ang mga naipon ko tapos sa isang iglap magagastos ko lang sa kaka-shopping.

“Kaya ang ending, pinahawakan ko na ulit kay papa ko ang pera ko. Sinabi ko sa kanya na bigyan na lang niya ako ng allowance.

“Hanggang hindi pa ako responsible sa paggastos ng pera, huwag niya munang ibigay sa akin,” sabi ni Mark.

Nagpapasalamat nga si Mark sa kanyang ama dahil sa husay nitong humawak ng kanyang pera. Kung hindi nga dahil sa higpit ng kanyang ama sa pera ay hindi mababayaran agad ang bahay na nabili ni Mark.

“Bayad na ang house namin matagal na. ’Yun ay dahil sa paghawak ni papa ng pera ko. Kapag may bago akong show he makes sure na hindi ko magagastos lahat ng talent fees ko. May nilalaan siya para sa bahay at may ibinibigay siyang panggastos sa akin.

“Kaya naging maayos ang lahat sa akin financially. Sabi nga ni papa na kapag na-turnover na niya ulit sa akin ang pera sana ay responsible na ako. Pangako ko naman ’yun sa kanya.”

Balak ngang kumuha ng isang condo unit si Mark na magsasama na sila ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio.

“Two years from now, ’yun ang plano namin ni Ynna. Pinag-iipunan pa naming ’yon. May blessing naman na kami mula kay Tita Nadia. Two years from now, nasa tamang age na si Ynna para magkaroon na ng sariling place niya,” pag-amin.

Kasalukuyan ngang bida si Mark sa top-rating afternoon series ng GMA 7 na Unforgettable at katambal niya si Kylie Padilla.

Jomari kuntento na walang GF para magka-oras sa anak

Ingat na ingat nga si Jomari Yllana na matawag siyang isang “irresponsible” father. Kaya kahit na marami siyang pinagkakaabalahan ngayon ay tinitiyak niya na meron siyang oras sa kanyang anak na si Andrei.

Binanggit nga ni Jom na hindi siya makapaniwala na 14 years old na ang anak nila ng ex-wife niyang si Aiko Melendez. Sa gano’ng age rin nga raw siya nagsimulang mag-artista at binuo ang grupo nila nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso, ang Guwapings.

“Sa totoo lang nagulat nga ako na teenager na pala si Andrei. Parang ang bilis ng panahon. Dati ay kinakarga ko lang siya. Ngayon ay binatilyo na pala.

“Pero si Andrei kasi, kahit na 14 years old na ’yan, marunong pa rin maglambing sa amin ni Aiko.

“Hindi nawawala ang pagiging close niya sa aming dalawa — lalo na sa akin kaya any time na kailangan niya ako parati akong nandiyan.

“Ayoko kasing masabing hindi ako naging ma­buting ama sa anak ko. Kita n’yo naman, wala akong gano’ng record sa anak ko,” pagbibida pa ng aktor.

Natutuwa si Jom dahil hindi tulad ng ibang mga nagbibinatang mga bata, gusto raw ni Andrei na para­ting nakakasama ang parents niya sa mga lakad nito.

“May ibang mga kasing edad kasi niya na ayaw na nakikitang kasama ang parents nila. Parang nahihiya sila. Si Andrei naman hindi. Parang mas kampante siya kapag kasama ang mga magulang niya.

“Medyo may pagkamahiyain pa rin kasi ang batang ’yan. Kami naman ng mommy niya ini-encourage namin siya sa mga gusto niyang gawin,” sabi ni Jomari.

Papasukin na ni Andrei ang pag-aartista at todo suporta naman si Jomari sa magiging career ng kanyang anak habang siya ay busy sa taping ng afternoon drama series ng GMA 7 na Kakambal ni Eliana bilang ama ng bidang si Kim Rodriguez.

Nagpapasalamat na si Jom nabibigyan pa rin siya ng pagkakataon na umarte kahit na paisa-isa lang ang nagagawa niyang teleserye.

“GMA 7 has been good to me. Lagi naman silang may ino-offer na show. Nagkakataon lang na hindi ako puwede dahil may iba tayong ginagawa noon.

“Nagkataon na maganda ang offer ng Kapuso sa atin ngayon. Kakaiba ang Kakambal ni Eliana. Interesting ang story kaya tinanggap natin,” saad niya.

Single and available si Jomari ngayon. Pero hindi siya naghahanap ng bagong makakarelasyon. Mas gusto pa niyang makasama ang kanyang anak kapag may libre siyang panahon.

“I’m single. I live alone and I’ve been like this for a long time na. Kapag may girlfriend kasi problema pa ’yan dahil nadi-divide ’yung time ko. Kaya huwag na lang, ’di ba? Masaya na ako kasama ang anak ko,” sabi ni Jomari.

 

vuukle comment

AKO

ANAK

ANDREI

JOM

JOMARI

KAYA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with