^

Pang Movies

LT sumakto kay Editha Burgos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maganda ang narinig naming balita na si Lorna Tolentino na ang gaganap sa Editha Burgos Story, bale pelikula iyan tungkol sa buhay ng dinukot na aktibistang magsasakang si Jonas Burgos. Asawa siya ng yumaong peryodistang si Joe Burgos. Maganda ang istorya niya kung mailalabas nila ang lahat ng mga sakripisyo nila para lumaban sa kalayaan. Natatandaan naming sinasabi niya noong araw,  “simple freedom of the press lang naman ang hini­hingi ko,” pero nang ma­launan nadamay nga pati ang pamilya ni Joe Burgos na siyang nagpasimula bilang editor at publisher ng ilang mga diyaryong nababasa pa natin ngayon.

Mabuti naman at si LT ang kanilang nakuha, at least siya ay isang artistang may mahusay na reputasyon. Kung ang gaganap kasi sa role na iyan ay may maruming pamumuhay, hindi magi­ging parangal iyan kundi insulto pa sa taong kanilang inilalarawan sa bio pic.

Isa pa, may box office appeal naman si Lorna, kaya sigurado kikita ang pelikulang iyan ano man ang sabihin nila. Sinasabi namin iyan hindi lamang dahil sa perang maaaring pumasok sa industriya kung sakali, kundi ang ibig sabihin ay marami ang mga taong makakapanood, at baka mas maunawaan nila ang issues kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay.

Eh kung gagawa ka ng bio pic, tapos ang manonood lang naman noon ay pitong tao sa maghapon, ano pa ang saysay? Siguro pumayag si Edita Burgos na isapelikula ang buhay niya para mas maipaabot niya sa masa ang mensaheng matagal na rin niyang kinikimkim. Kung binayaran man siya sa film rights, gaano na lang iyon. Eh kung ang nakuha nilang artista ay hindi si Lorna o kung sinong laos na artista riyan, wala ring makakapansin.

Baguhang actor nakunang hubad ng baklang matinee idol

Natatakot ngayon ang isang male newcomer. Kasi noong araw daw ay naka-barkada niya ang isang gay matinee idol, at sa isang swimming party, kinunan siya noon ng picture sa shower room. Ok lang naman daw sa kanya dahil katuwaan lang naman iyon noon. Pero ngayon umuugong ang tsismis na naging boyfriend din siya ng gay matinee idol na hindi naman daw totoo.

“I know he’s gay but I was never his boyfriend,” sabi pa ng newcomer.

 

vuukle comment

EDITA BURGOS

EDITHA BURGOS STORY

JOE BURGOS

JONAS BURGOS

KUNG

LORNA

LORNA TOLENTINO

MAGANDA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with