^

Pang Movies

Kahit may nararamdaman, John Lloyd ‘di maligawan si Sarah

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakausap namin si John Lloyd Cruz matapos ang pag-iyak niya sa Q&A portion ng It Takes a Man and a Woman presscon last Sunday at nata­nong nga namin sa kanya kung may pinagdadaanan ba siya ngayon kaya medyo emosyonal siya.

The actor cleared out na wala naman.

 â€œWala. Masyado lang akong naka-associate sa pelikula kasi kakatapos lang namin and talagang very emotional kaming lahat,” he explained.

Pero happy ba siya ngayon?

 â€œYes, I’m very much okay. I’m very excited,” deklara niya.

Sa presscon proper ay nabanggit din ni Loydie na na kay Sarah na ang lahat ng qualities na puwedeng magustuhan ng isang lalaki pero hindi talaga puwedeng ligawan dahil may rules ang pamilya nito.

Talaga bang pinigil niyang ligawan si Sarah noon?

 â€œOo kasi that time talagang hindi naman puwede eh. You know, may rules ang nanay at tatay, and you have to respect that.

 â€œSo, kung hindi puwede at kung hindi n’yo kayang panindigan, halimbawa ang isang lalaki, alam mo naman ’yung rules, kung alam mo don’t try to break them kasi nandun ’yun sa simula eh,” he said. 

Nagkaroon ba siya ng special feelings for Sarah?

 â€œSabi ko nga, we will always be special to one another,” sabi ni John Lloyd.

Sarah, mas matapang at daring na

Sa trailer ng movie ay may eksena si Sarah bilang Laida na sinasabi niyang she’s bolder, braver, and fiercer now. Natanong ang Pop Princess kung ganito na rin ba siya in real life.

“It’s a process naman. Work in progress ako, like Miggy, ’di ba? Masasabi ko po na importante sigurong nag-uumpisa sa akin ‘yung maturity ko.

“At malaki ang naitulong sa akin nitong pelikulang ito, nitong co-actors ko, mga katrabaho ko sa pelikula sa maturity ko.

“Kahit na maikling panahon lang ‘yung pinagsamahan namin, marami akong natutunan sa kanila at habang buhay kong dadalhin ‘yon,” pahayag ni Sarah.

So, braver, bolder and fiercer Sarah na ba siya?

“Medyo, opo. Huwag lang po siyempreng soso­bra, ’di ba? Ayaw ng… ayaw ng magulang,” natatawa niyang sabi.

Kumusta namang katrabaho si Loydie ngayon bilang masaya ang aktor sa love life nito?

“Ayun, sobrang mala­king tulong na happy siya at happy kami para sa kanya. Nadadala niya ‘yon sa set at maganda ‘yung friendship namin. Nakakapag-usap kami na sobrang komportable kami sa isa’t isa ngayon. I think malaki ang naitulong nun this time,” sabi niya.

When asked kung kelan naman siya iibig muli matapos ang mga naranasan niyang hindi kagandahan sa pag-big, say ni Sarah, “Hindi ko naman po masasabi ‘yan. Hindi mo madidiktahan ang puso kung sino ang dapat mahalin.”

Pero happy ba siya ngayon?

“Sobra. Sobra po. Pero siyempre, pressured po dahil ito ang part three ng movie namin at matagal din po itong inabangan ng mga tao.

“Nandun ‘yung pressure pero sobrang happy po ako sa pelikulang meron kami at ‘yung magandang relationship namin,” she said.

vuukle comment

IT TAKES

JOHN LLOYD

KUNG

LOYDIE

PERO

POP PRINCESS

SARAH

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with