^

Pang Movies

Starlet na na-in love sa mas bata worth P20M ang namanang bahay sa kabit na pulitiko

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ginamit ng isang sexy starlet ang kanyang utak.

Nakipagrelasyon siya sa isang pulitiko na nagbigay sa kanya ng bonggang house and lot.

More than P20 million ang halaga ng sosyal na bahay kaya instant millionaire ang sexy starlet. Hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa dahil na-in love sa younger man ang starlet.

Nang maghiwalay ang sexy starlet at ang pulitiko, hindi nito binawi ang bahay at lupa. Daig pa ng starlet ang nanalo sa lotto. Na-getlak na niya ang bahay, blooming pa ang kanyang love life!

PEP mamimigay na rin ng award

Mamimigay na rin ng parangal ang Philippine Entertainment Portal (PEP) sa deserving na showbiz personalities.

The PEP List ang pangalan ng awards na ipamamahagi ng PEP at magaganap ito sa February 2014.

Kahapon ang grand launch ng The PEP List sa The Fort, Taguig City. Invited ako pero hindi ako pumunta dahil malayo ang venue.

Tinamad din ako na lumabas ng bahay na blessing in disguise dahil nagkaroon ng hail storm sa Quezon City.

Ang init-init ng panahon kahapon pero biglang umulan ng yelo sa Quezon City. Napanood ko pa sa TV ang pagbaha sa Tomas Morato area. Nakakaloka ’di ba? Parang hindi summer season sa Pilipinas.

Nanay ng aspiring star nilagyan ng nakaka-touch na obituary

Gusto raw bumalik sa showbiz ng aspiring star na si Princess Violago na napanood noon sa S-Files.

Kung kailan ready na si Princess na magbalik sa showbiz, saka namatay ang kanyang nanay na si Olympia.

Naiyak-iyak ako nang mabasa ko sa The Philippine Star ang obituary para sa nanay ni Princess dahil very touching ang loving message ng kanyang mister na naulila niya. Na-feel ko ang tunay na pagmamahal ng fadir ni Princess sa kanyang namayapang asawa.

Lorna makakapagbakasyon na

Huwag ninyong kalimutan na panoorin nga­yong gabi ang ending ng Pahiram ng Sandali.
 Magwawakas na ang teleserye nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes.

Hindi lang ako sure kung magkakaroon ngayong gabi ng party ang cast para sabay-sabay nila na panonoorin ang finale episode.

Apat na buwan na tumagal sa ere ang Pahiram ng Sandali. Sa apat na buwan, isang buwan na puro crying scenes ang binuno ni Lorna. Exhausted na exhausted si Lorna at ngayong tapos na ang teleserye nila ay looking forward na siya sa kanyang bakasyon grande.

Pinay na Playboy bunny gustong buhayin ang iniwang career sa Pilipinas

Anna Scott pala ang name ng Pinay na naging Playboy bunny.

Naririto ngayon sa Pilipinas si Anna at mukhang gusto niya na i-revive ang kanyang naudlot na showbiz career.

Contract star noon si Anna ng Viva Films pero tinalikuran niya ang showbiz nang magtrabaho siya sa Macau bilang Playboy bunny.

 

vuukle comment

ANNA SCOTT

DINGDONG DANTES

KANYANG

LORNA

LORNA TOLENTINO

PAHIRAM

PILIPINAS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with