^

Pang Movies

Lovi marami nang senyales na lalayasan na ang GMA 7

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Lilipat pa lamang o nakalipat na si Lovi Poe sa TV5? Matagal nang hindi sinasagot ni Lovi ang tanong na lilipat siya sa TV5. Wala pa raw sinasabi sa kanya ang manager niya. Pero ngayon na malakas ang balitang lilipat na rin doon si Ogie Alcasid, siguro ay totoo nga ang balita. Ito kaya ang dahilan kaya naka-hold ang Love and Lies na action-drama series na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez?

Bumalik si Richard from Switzerland mula sa pagbisita sa girlfriend na si Sarah Labhati dahil kailangan na niyang mag-training at magpagupit ng maikli ng buhok for his role pero naka-hold nga raw muna ito. Kung hindi na puwede si Lovi, tiyak na naghahanap pa ang GMA kung sino ang ipapalit sa kanya. Kaya may time naman si Richard para mag-promote na ng pelikula nila ni Marian, ang My Lady Boss, na very promising based sa full trailer nito.

Max bibigyan na ng break sa pelikula ni Direk Maryo

Tapos na si Direk Maryo J. delos Reyes ng taping ng Pahiram ng Sandali na nasa final week na ngayon kaya haharapin naman niya ang pagdidirek ng isang indie film para sa Sining Pambansa All Masters Edition, na magtatampok sa 12 direktor na isu-shoot sa iba’t ibang lugar sa bansa. Taga-Bohol si Direk Maryo kaya roon siya magsyu-shooting ng The Bamboo Flower na doon lamang natatagpuan sa Bohol. 

Ang paborito niyang young actress na si Max Collins ang bida katambal si Neil Ryan Sese. Kasama rin sina Diva Montelaba, Ruru Madrid, Orlando Sol, Sef Cadayona, at Mylene Dizon. Nagustuhan ni Direk Maryo ang husay sa pag-arte ni Max sa Pahiram ng Sandali kaya gusto niyang bigyan ito ng break sa pelikula naman.

Abangan sa Pahiram ng Sandali kung tuluyan nang napatawad ni Cindy (Max) ang inang si Janice (Lorna Tolentino) at boyfriend na si Alex (Dingdong Dantes) na may pancreatic cancer at ipakilala na rito ang anak nila na isinilang niya sa States?

vuukle comment

BAMBOO FLOWER

DINGDONG DANTES

DIREK MARYO

DIREK MARYO J

DIVA MONTELABA

LORNA TOLENTINO

LOVE AND LIES

LOVI

PAHIRAM

SANDALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with