^

Pang Movies

Martin walang planong layasan ang Kapamilya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“I will not leave ASAP, I will not leave ABS-CBN,” pagtutuwid ni Martin Nievera sa naging issue na nagtampo siya sa Kapamilya Network nang hindi siya payagang mag-promote ng Valentine concert nilang Foursome last Feb. 14. Naayos din naman ang issue at nakapag-promote sila ni Pops Fernandez sa ilang shows doon. Mahirap iwan ang network dahil doon siya nagsimula. Kaya kahit umaalis siya at umuuwi sa States, pagbalik niya ay sa Sunday show pa rin ang balik niya.

Ngayong may Foursome, The Repeat sa Saturday, March 16, sa SM Mall of Asia Arena pa rin, nilinaw ni Martin na hindi siya ang producer ng concert kundi sina Pops, Cacai Velasquez-Mitra, at Anna Puno ang producers. Ayaw niya nang hinihingan siya ng complimentary tickets na hindi naman niya kayang ibigay kaya kahit anong concert na kasama siya, artist lamang siya talaga. This time, kasama na nila sina Regine Velasquez-Alcasid at Pops as special guest ang best friend nilang si Gary Valenciano, for free. Bakit hindi pa nila inimbita si Zsa Zsa Padilla?

Parehong natawa sina Martin at Ogie Alcasid, hindi kakayanin ng producers ang additional talent fee. Pero siguradong magugustuhan ng mga manonood ang concert dahil halos nabago na ito, may mga pinalitan na silang songs dahil hindi na ito Valentine show at first time nilang magsasamang tatlo sa isang stage at first time ding magkakasama sa stage sina Regine, Pops, at Gary. 

After the concert, uuwi sa Las Vegas si Martin at doon siya sa Holy Week dahil naghihintay na ang bunso niya, ang eight years old na si Santino, na muli niyang ipapasyal for the nth time sa Disneyland na paborito pala nitong puntahan.

Pahiram… cast nagpapasalamat

Kahapon ay magkakasamang nagpasalamat sa Party Pilipinas ang buong cast ng Pahiram ng Sandali, the ever beautiful Lorna Tolentino, Dingdong Dantes, Max Collins, at Alessandra de Rossi. Last taping day na nila ngayon under Maryo J. delos Reyes at simula na tonight ng finale week. 

Alamin kung magkakabati na sina Alex (Dingdong) at Cindy (Max), kung maitutuwid ni Baby (Alessandra) ang pagsisinungaling niya kay Janice (Lorna), kung ano ang mangyayari kay Andrew (Neil Ryan Sese) matapos niyang mabaril si Alex, at marami pang ibang kaabang-abang na eksena. Napapanood ang Pahiram ng Sandali pagkatapos ng Indio, sa GMA 7, na nagsisimula na rin ang book two.

 

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

ANNA PUNO

CACAI VELASQUEZ-MITRA

DINGDONG DANTES

GARY VALENCIANO

HOLY WEEK

PAHIRAM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with