^

Pang Movies

Aljur hindi kinakaya ang paninira kay Kylie

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit pagod at straight from the airport from General Santos City, masayang hinarap ni Aljur Abrenica after lunch ang entertainment press sa Executive Lounge ng GMA Network. Ipinaabot muna niya ang pasasalamat sa mga taga-GenSan sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ka-love team na si Kris Bernal kahit pangatlong beses na sila roon para sa GMA Regional Show.

Happy si Aljur sa pagkukuwento na first taping day na niya ngayong Sabado ng epic seryeng Indio na siya ang tutulong kay Simeon (Sen. Bong Revilla, Jr.) ngayong nawala na ang kapangyarihang ibinigay dito ng kanyang inang diwata. Iibahin ang costume niya at atake sa pagganap niya dati bilang si Lapu-Lapu at Dayaw sa Amaya dahil magmumula siya sa ibang tribu ng mga Indio. Dream come true kay Aljur na makasama naman ngayon si Sen. Bong.

Kasalukuyan din siyang nag­wo-work­shop para sa role na gagampa­nan niya sa isang episode ng Magpa­kailanman dahil matindi ang pinag­da­raanan hanggang ngayon ng ipo-portray niyang character, ang award-winning actor na si Kris­toffer King na ginawa ang lahat para sa kanyang pamilya at sa anak nito. Gusto niyang bigyan ng justice ang role kaya this week ay imi-meet niya ng personal si Kristoffer. Pinaghahandaan din niya ang first time na pagdidirek sa kanya ni Maryo J. delos Reyes.

Tungkol naman sa girlfriend na si Kylie Padilla, ngayon na umamin na silang dalawa sa pagmamahalan nila sa isa’t isa, nakikiusap siyang ibalato na sa young actress na huwag nang siraan ng mga basher para hindi maistorbo sa pagganap nito sa mahirap na role sa Unforgettable. Inamin ni Aljur na very sensitive si Kylie pagdating sa kanilang relasyon na almost two years na ngayon. Nasasaktan din kasi siya para sa girlfriend.

Sa March 24 ay birthday ni Aljur at gusto sana niyang ibakasyon ang family niya sa States pero gusto ng daddy niya ay muli na lamang silang magkaroon ng thanksgiving show tulad last year sa kanilang resort sa Batangas, lalo pa ngayon na dalawa na sila ng kapatid na si Vin (ng TV5) na may dapat ding ipagpasalamat. 

Natawa si Aljur sa biro sa kanyang dito na lamang siya mag-birthday dahil hindi naman niya maisasama si Kylie dahil sa taping. 

Soon ay magti-taping na rin sila ni Kris ng bago nilang primetime soap sa GMA 7. Mamayang gabi at 7:00, sa GMA News TV mapapanood si Aljur sa pagganap niya sa isang naiibang love story sa Wagas, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

Sa balitang gusto niyang lumipat ng ibang network, hindi raw totoo. Kapipirma nga lang niya ng contract sa GMA at hindi niya ito iiwan.

 

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BONG REVILLA

EXECUTIVE LOUNGE

GENERAL SANTOS CITY

INDIO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with