^

Pang Movies

Hindi pa rin kayang pag-usapan ang nakaraan nila, KC napa-walkout nang marinig ang pangalan ni Piolo!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon, sa launching ng Boardwalk for Signature Style Collection ay sinagot ng endorser na si KC Concepcion ang tungkol sa talk of the town na pangba-basted niya sa French suitor niyang si Pierre Emmanuel Plassart.

It’s been in the news kasi lately na humingi raw ng space si KC sa French filmmaker dahil hindi pa siya ready na pumasok sa isang seryosong relationship.

Kinumpirma naman ito ng dalaga at mahabang usapan nga raw ang nangyari sa kanilang dalawa tungkol sa bagay na ito but in the end ay naintindihan naman siya ng manliligaw and for that she’s very thankful.

Ayon kay KC, okay naman si Pierre at magkasundo naman sila. Mabait at galing pa sa disenteng pamilya.

 â€œDumating lang siguro sa point na sumeryoso masyado at na-realize ko na hindi pa pala ako ready na maging sobrang serious. So, kesa mag-progress pa at masaktan siya in the end parang na-preserve ko muna kung anuman ’yung friendship na meron kami and pick up siguro in the future kapag ready na kaming dalawa,” pahayag ni KC.

Although naintindihan naman ni Pierre ang kanyang desis­yon, siyempre, parang pinu-push pa rin nito ang pagmamahal sa kanya.

 â€œHe’s fighting for it pero kasi you have to be in the same level pagdating sa fighting for love so since wala pa ako sa level na ’yun, marami pa akong gustong gawin, siguro for now sacrifice na lang muna,” she said.

Say pa ng panganay ni Sharon Cuneta, right now she’s taking her time to enjoy her single blessedness.

May communication pa rin naman daw sila, friends pa rin sila, at medyo malalim na rin naman ang friendship nila. Kung makapaghihintay si Pierre until the time comes na ready na siya tingnan daw natin.

“True love waits. So, kung talagang true ’yung love niya at makarating ako sa level na ready na ako and nandiyan pa rin siya, mabait naman siyang tao and napaka-disente ng pamilya niya. Mahal na mahal ko ang pamilya niya and mahal din nila ako, so , we’ll see. But for now, maganda ’yung friendship namin, nag-uusap pa rin kami,” sabi ng TV host-actress.

Open ba siya for other suitors right now?

 â€œYes, pero, again, hindi ako ready na maging sobrang serious. Kailangan ko munang pagdaanan like every girl should, ‘yung pagiging single, pagiging happy.

 â€œKasi ’pag tumalon ka to a serious relationship again, parang maraming risks. So, kailangan buo ka muna,” sagot niya.

Aniya ay happy siya ngayon sa kanyang work kaya dito muna siya naka-focus lalo pa nga ngayong may bago siyang teleserye sa ABS-CBN, ang Against All Odds with Judy Ann Santos and Sam Milby na malapit na ring iere.

When asked kung okay na sila ni Piolo Pascual, sagot niya ay ayaw na muna niyang pag-usapan sa ngayon.

 â€œI’ll just take after Anne Hathaway,” she said with a short laugh and then walked away from the interview.

In fairness kay KC, nakangiti at maayos naman siyang umalis kaya hindi naman masasabing nag-walkout siya. ’Yun nga lang natapos na ang interbyuhan matapos may magbanggit ng pangalan ni Piolo.

 

 

 

 

 

vuukle comment

AGAINST ALL ODDS

ANNE HATHAWAY

JUDY ANN SANTOS AND SAM MILBY

NAMAN

PIERRE EMMANUEL PLASSART

PIOLO PASCUAL

SHARON CUNETA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with