^

Pang Movies

Haharapin na lang ang kasong isinampa sa pumaslang sa kapatid: Rochelle Barrameda absuwelto sa kasong anti-wire tapping at child abuse!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Absuwelto si Rochelle Barrameda sa dalawang kaso na isinampa ng kanyang bayaw na si Manuel Jimenez III.

Na-dismiss ang mga kaso ng anti-wire tapping at child abuse dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magpapatunay na guilty si Rochelle.

Idinemanda si Rochelle ng kanyang bayaw no­ong nakaraang taon dahil ipinalabas sa isang in­ves­tigative show ng ABS-CBN ang video ng cell phone conversation ng mga anak ni Manuel sa kanilang na­nay na si Ruby Rose noong nabubuhay pa ito. Ini-record ni Rochelle ang pag-uusap bilang pruweba na hin­di totoo na galit kay Ruby Rose ang mga anak nito.

Na-dismiss ang mga kaso noong nakaraang buwan pero kahapon lamang ito nalaman ni Rochelle mula sa kanyang ama na nakatanggap ng kopya ng resolution.

Tuwang-tuwa ang dating aktres dahil nabawasan ang kanyang mga problema.

Haharapin nila ngayon ang mga kaso na isinampa nila laban sa mga pumaslang kay Ruby Rose.

Nababagalan ang pamilya ni Rochelle sa pag-usad ng kaso ng kapatid pero nabuhayan sila ng pag-asa dahil sa dismissal ng mga asunto ni Manuel la­ban sa kanya.

Gowns sa Oscars ang gaganda, Pinoy

designers siguradong kokopyahin na naman, iibahin lang ng konti para hindi halata

Ang gaganda ng mga gown na suot ng mga Hollywood actress na rumampa kahapon sa 85th Academy Awards.

Magaganda ang mga damit nina Jennifer Lawrence, Anne Hathaway, Charlize Theron, at marami pang iba.

Hindi ako magtataka kung gayahin ng mga Pinoy designer ang mga gown ng mga Hollywood actress at ipasuot nila sa local stars natin. Likas sa mga Pinoy designer ang pagiging gaya-gaya, puto maya pero medyo iniiba nila ang design para hindi halata ang kanilang pangongopya at sila pa ang may gana na magalit kapag ina­kusahan ng pamimirata ng idea at concept.

Cast ng Unforgettable nakahinga ng maluwag

Masaya ang cast ng Unforgettable dahil sa mga positive review sa pilot telecast ng kanilang drama show kahapon.

Kabadung-kabado ang mga artista ng Unforgettable dahil hindi nila alam ang ma­giging reaksiyon ng televiewers sa ka­ka­ibang kuwento ng kanilang drama series.

Maluwag na nakahinga ang cast nang mabasa nila sa mga social media ang ins­piring reactions and opinions ng te­le­­vie­wers. Nag-promise sila na lalong pag­­bubutihin ang kanilang pag-arte para ma­ging number ang Unforgettable.

Sunshine maiimbiyerna lang Krista halatang may pinag-aralan kung idepensa ang sarili

Mairita kaya si Sunshine Cruz kapag nalaman nito na marami ang nagandahan at nagalingan sa pagsagot ni Krista Miller nang umapir ito sa The Buzz noong Linggo?

Isang entertainment editor na respetado ang nagsabi na articulate at may sense ang mga sinasabi ni Krista.

Mahahalata raw na may pinag-aralan ang dalaga na introducing sa Alfredo S. Lim, The Untold Story.

Idinenay ni Krista na may relasyon sila ni Cesar. Kung may mga tumaas ang mga kilay dahil sa kanyang denial, may mga naniwala kay Krista na nag-dialogue na hindi siya pumapatol sa may asawa at hindi home wrecker.

Kung napanood ni Sunshine ang interbyu kay Krista, imposibleng hindi siya naimbiyerna.

Hindi nakita si Krista sa presscon at press preview ng pelikula ni Cesar Montano pero nagawa niya na mag-promote sa The Buzz. Inabangan ang interbyu kay Krista sa The Buzz at inaabangan din kung lilitaw siya mamaya sa premiere ng Alfredo S. Lim, The Untold Story sa SM Manila Cinema.

 

vuukle comment

ACADEMY AWARDS

ALFREDO S

KRISTA

PINOY

RUBY ROSE

SHY

UNTOLD STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with