^

Pang Movies

Phillip natanggalan na ng hinanakit at sama ng loob nang makilala ang Diyos

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wala nang bitterness kay Phillip Salvador anuman ang nangyayari sa buhay niya ngayon. Na-realize niya ito nang tanggapin niya sa buhay niya si Jesus. Noon na sunud-sunod siyang tumatanggap ng awards, akala niya ay dahil mahusay siyang aktor pero ang totoo pala ang talent niya ay mula kay Lord. Kaya ngayon na may bago siyang afternoon prime, gusto niyang i-share ito sa younger cast ng Unforgettable lalo na sina Kylie Padilla at Mark Herras na first time niyang nakasama pero nakita na niyang seryoso at mahusay umarte.

  Matagal nang magkasama at paborito niyang leading lady si Gina Alajar pero na-excite siya nang malamang ang actress-director ang magdidirek ng Unforgettable. Dream come true iyon sa kanya lalo na at gaganap na wife niya sa story si Carmi Martin na kasama nila ni Gina noon sa Kapit sa Patalim.

Bukas na after ng Eat Bulaga mapapanood ang Unforgettable na tampok din sina Pauleen Luna, Benjamin Alves, Polo Ravales, Pancho Magno, Chariz Solomon, Timmy Cruz, Kevin Santos, Roy Alvarez, at Glydel Mercado.

Imelda isinalba ng mga abogado

Nakahinga na nang maluwag ang actress-singer na si Imelda Papin nang finally ay na-reconsider ng COMELEC En Banc na makasama pa rin ang pangalan niya sa List of Qualified Candidates at kasama pa rin sa ipi-print na ballots sa darating na eleksiyon bilang representative ng San Jose del Monte, Bulacan. Napatunayan kasi, after ng ocular inspection ng bahay ni Imelda, na bona fide resident na siya since May 10, 2012.

Tinulungan si Imelda ni election lawyer Romulo Macalintal at ni Atty. Edgard Carlo Vistan para maayos ang problema niya sa COMELEC. Ayon pa kay Atty. Macalintal, dapat daw ay payagan ang isang newcomer in a legislation district at hindi i-disqualify para makapag-render ng public service sa kanyang mga kababayan. 

 

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

CARMI MARTIN

CHARIZ SOLOMON

EAT BULAGA

EDGARD CARLO VISTAN

EN BANC

GINA ALAJAR

GLYDEL MERCADO

IMELDA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with