^

Pang Movies

Kris maligaya sa coupons na natatanggap sa mga ini-endorso!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakatsikahan namin kahapon si Kris Aquino matapos ang kanyang live episode ng Kris TV at isa nga sa napag-usapan ay ang naging issue tungkol sa kanya kamakailan na nabiktima siya sa pyramid scam.

It turned out na kapangalan lang niya ang taong ’yun at lalaki ito na ang name ay Chris Aquino.

 â€œSino ba ’yang Chris Aquino na ’yan?  Pero ’di ba, the Chris Aquino na kapangalan ko talaga na “C” ang Chris niya, the one na nagtayo sa Boracay na walang permit? So, it’s very possible na siya rin ’yun ’di ba?”

Ayon kay Kris, noon pa raw niya laging sinasabi sa kanyang show na “anything too good to be true don’t invest.”

 â€œâ€™Yun ang parang pinanininindigan ko talaga. ’Pag nag-promise sa ’yo na they’ll double your mo­ney in a year that doesn’t happen. Ano ba? Reality check,” she said.

 â€œHindi talaga ako ever papasok diyan. Happy ako sa six percent na kita (sa bangko) and I don’t have investment for myself na more than five years. ’Yung kina Bimby and Josh, may seven years, may ten, kasi bata pa sila.

 â€œPero ’yung sa akin kasi I only invest based on the contracts that I have,” paliwanag pa niya.

Happy na raw siya sa coupons na nare-receive niya mula sa companies na ine-endorse niya.

Samantala, kahapon ay nagsimula ang week-long birthday celebration ni Kris sa Kris TV. Matatandaang last week ay nagpunta sa Siargao Island ang Queen of All Media kasama ang pamilya at kaibigan para mag-celebrate roon ng kanyang kaarawan.

Sobrang nag-enjoy si Kris sa Dedon Island sa Siargao at lahat ng ito ay mapapanood on Friday.

Ngayong Martes naman ay sina Erik Santos, Bryan Termulo, Daddy’s Home, at Jed Madela ang kanyang guests in a post-Valentine’s Day musical celebration.

Bukas, Wednesday, Kris shares her blessings and happiness by paying tribute and giving back to an inspiring individual na ipinanganak din ng February.

Sa Thursday naman ay Celebrity Home Tour ang mapapanood kung saan ay featured ang bonggang bahay nina Helen Gamboa and Sen. Tito Sotto.

‘Sarah is a true Philippine superstar for 21st century’ - Nickelodeon

Opisyal na nominado si Sarah Geronimo sa 2013 Nickelodeon Kids’ Choice Awards sa ka­te­goryang Favorite Asian Act at isa sa makakalaban niya ay ang kakatapos lang mag-concert sa bansa, ang Korean singer-rapper na si Psy. Ilan pa sa makakatunggali niya ay ang Chinese singer-actor na si Han Geng at ang Malaysian singer na si Shila Amzah.

Ayon sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards, si Sarah ay inspirasyon ng lahat, mapa-bata man o matanda.

“Sarah Geronimo got her big break at age fourteen when she won a TV singing competition. Smash albums such as Popstar: A Dream Come True and Just Me followed, along with film roles.

“Now, at age twenty four, she is already a mul­ti-awarded, multi-platinum recording artist, a movie star, a TV personality with her own musical variety show, and an inspiration to young people and adults alike.

“She’s a true Philippine superstar for the 21st century,” ang deskripsiyon ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards sa ating Pop Princess.

Ang award night nito ay gaganapin sa March 23 sa Galen Center in Los Angeles, California at mapapanood sa bansa sa April 6.

Samantala, sa mga nagtatanong kung ano ang bagong show ni Sarah sa ABS-CBN bilang kapalit ng Sarah G. Live, abangan n’yo na lang dahil sa March 10 na ang launching ng bagong drama anthology niya directed by Wenn Deramas. Tatagal daw ito ng 13 Sundays sa ere.

 

vuukle comment

AYON

BIMBY AND JOSH

BRYAN TERMULO

CELEBRITY HOME TOUR

CHOICE AWARDS

CHRIS AQUINO

NICKELODEON KIDS

NIYA

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with