^

Pang Movies

‘Hindi naman kasi lahat ng marriage ay perfect,’ Cesar inakong may gulo pero inaayos ang problema kay Sunshine

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tawanan ang press nang banggitin ni Cesar Montano sa presscon ng movie niyang Alfredo S. Lim, The Untold Story ang pagkakaroon ng oras ng asawa na si Sunshine Cruz-Montano sa social media – Instragram, Twitter, at Face Book. Hindi man diretsong sinasabi, nakadagdag sa gulo nilang mag-asawa ang naka-post sa Instagram ng asawa.

Hindi naman itinanggi ni Cesar na hindi nagkaroon ng gulo sa relasyon nila ni Sunshine. Wala man siyang ibinigay na detalye, nasiyahan naman ang press na makakuha ng pahayag mula sa actor-director-producer ng movie tungkol kay Manila Mayor Lim.

“Inaayos namin ang gusot. Nagkaroon kami ng problema ni Shine pero hindi naman kasi lahat ng marriage ay perfect. Only God is perfect. My prayer and your prayers, sana maayos naming dalawa ang mga problema. I Love my family. I love my children, I won’t do anything to hurt them,” diin ni Cesar.

Alam din ni Buboy na may mga lumabas na balitang nag-alsa-balutan na siya nung time na nagsyu-shooting siya.

“I want to focus on the movie. Gusto kong fixated ako sa pagtatapos nito. Ayokong hatiin ang oras ko. Alam ko naman I will answer the issue in due time.

“Kaya naman nasa Manila Hotel ako nung kasagsagan ng issue dahil most of my locations are in Manila. I have to concentrate. I don’t want to divide my time dahil naniniwala naman akong maayos ang anumang problema,” rason pa niya.

Eh sa movie, sila ni Shine ang executive producers. Dahil pera ang hawak ng asawa, sa kanya niya ipinagkatiwala ang posisyon na ’yon.

“Tuloy pa rin ang trabaho niya kahit tapos na ang shooting. Hindi damay ang trabaho niya sa movie kahit nagkaroon kami ng gusot,” pag-amin pa ni Cesar.

Tama naman si Cesar dahil nasa tarpaulin pa rin ng pelikula ang pangalan ng baguhang si Krista Miller na inuugnay sa kanya. Absent nga lang sa presscon ang baguhan kaya hindi nasilip ang mukha ng babaeng pinagselosan ni Sunshine Cruz-Montano.

vuukle comment

ALAM

ALFREDO S

CESAR MONTANO

FACE BOOK

I LOVE

KRISTA MILLER

MANILA HOTEL

MANILA MAYOR LIM

SUNSHINE CRUZ-MONTANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with