^

Pang Movies

Mga artistang kumakandidato hinaharang ng mga kalaban

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matagal nang pinaghahandaan ni Onemig Bondoc ang pagpasok sa pulitika dahil talagang ambisyon niya iyon. In fact iniwan niya ang kanyang career bilang artista kung saan siya kumikita nang malaki para sumailalim sa special studies in public administration. Hindi lang ngayon iyan, ginawa niya iyan mga tatlo o apat na taon na yata. Talagang nag­hahanda na siya.

Noong nakaraang eleksiyon pa talagang ta­tak­bo na sana siya kaya nga nagparehistro na siya bilang botante, kasama ang kanyang buong pa­milya, at nagsimula nang umuwi-uwi sa kanilang bahay sa Mariveles, at mag-ikot sa mga bayan-bayan doon. At para maiwasan na nga ang questions sa kanyang residency at dahil na rin sa pakiusap ng ibang mga pulitikong kaibigan ng kanilang pamilya, hindi siya tumuloy na kumandidato noon. Ngayon na kumakandidato na siya, pinipilit naman nilang harangin siya dahil pa rin sa residency. Kasi nakatira raw siya sa bahay niya sa Quezon City at sa isang condo sa San Juan at hindi naman sa Mariveles.

Siguro nga tama ang sinasabi ni Onemig na “Takot silang makaharap ako sa eleksiyon” kaya kung anu-ano ang ginagawa ng kanyang mga kalaban.

Sa ngayon hindi pa natin alam kung aapela si Onemig at hihingi ng TRO sa kautusang nagsasabing hindi siya eligible na tumakbo sa Bataan.

Ganyan din naman ang kaso ni Imelda Papin na hindi na nga makakatakbong congresswoman sa Bulacan, dahil sinasabi ng mga kalaban niya na pati ang certification na ibinigay sa kanya ng mga barangay sa kanilang lugar na nagpapatunay na siya nga ay residente roon ay hindi magkakatugma.

Nagkaroon ng balitang tuluyan nang hindi makakakandidato si Imelda.

Ganyan din ang ginawa kay Aga Muhlach, bagama’t ang kanyang property sa Camarines Sur ay mahigit na dalawang taon na. Nagpupunta lang siya sa Maynila kung may taping o shooting siya, tapos doon na rin siya umuuwi. Napakatatas pa ngang magsalita ng Bicolano ni Aga, tapos sasabihin hindi rin siya residente ng nasabing lugar?

Kaya inilaban iyon ni Aga.

Ganoon din naman ang unang ginawa nila kay Richard Gomez nang kumandidato siya sa Ormoc, pero ang ginawa ni Goma, ipinalit niya ang kanyang asawang si Lucy.

vuukle comment

AGA MUHLACH

CAMARINES SUR

GANYAN

IMELDA PAPIN

MARIVELES

ONEMIG

ONEMIG BONDOC

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with