^

Pang Movies

Coco alaga pati pag-upo ni Julia!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Julia Montes sa The Buzz last Sunday na si Coco Martin pala ang escort niya sa gaganaping debut party niya next month.

Yup, ang much-awaited moment na pagde-debut ni Julia ay magaganap na na siya ring hinihintay-hintay ni Enchong Dee noon. Too bad na hindi na nahintay ng young actor ang kaganapang ito at may iba nang naghihintay — si Coco nga bilang siya ang escort.

Sa tanong kung nanliligaw ba si Coco sa kanya, ang sagot ni Julia ay ang lola raw niya ang nililigawan ng aktor which means talagang may balak nga si Juan dela Cruz.

Ang lagi raw kasing sinasabi ni Coco sa kanya ay “wala ka pang 18 eh” kaya say ni Toni Gonzaga, ibig lang sabihin nun, pagdating niya ng 18 ay liligawan na siya ng aktor.

“Hindi ko po alam, tingnan na lang po natin,” iwas na lang ng aktres.

Pero ang nakakaintriga, puring-puri ni Julia si Coco na sobrang maalaga raw.

“Si Coco, sobrang maalaga po siya on cam and off cam. Talagang bantay ka niya hindi lang sa role mo kundi pati na ’yung looks mo, kung paano ka umupo, like sa akin, bantay niya ako kung paano ako umupo kumbaga, hindi lang talaga typical na leading man. Talagang alagang-alaga ka,” sabi ng young actress.

Pagkatapos ng Walang Hanggan teleserye nila ay muling mapapanood ang dalawa sa pelikulang A Moment in Time na kinunan pa ang ilang eksena sa Amsterdam.

David Pomeranz kakanta sa anniversary ng LUV U

Ipinagdiriwang ng teen comedy series na LUV U ang isang taon nitong anibersaryo ngayong Peb­rero at ayon kay Miles Ocampo, isa sa mga lead cast nito, hindi niya ine-expect na ganito kainit ang pagtanggap sa kanila ng mga manonood.

“Hindi ko po ine-expect na tatagal kami ng gani­to siyempre nung una po may konting doubts kasi bago ’yung concept at bago po ’yung love teams,” aniya.

Nagsimula ang karamihan ng cast ng series sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit ngunit hindi naman sila nahirapang mag-adjust.

“From Goin’ Bulilit, ito na pong LUV U ang sunod kong major show,” ani Miles. “Pero hindi naman po ako nahirapan kasi sa Goin’ Bulilit mga bata kami na matatanda ang role. Sa LUV U, sarili po talaga namin,” dagdag niya.

Unang sabak naman ito sa showbiz ni Marco Gumabao, ang kapareha ni Miles sa LUV U.

“Nakakatuwa pong isipin na one year na po kami at ’yung love team namin ni Miles may iba pang napupuntahan. Magkapareha rin po kasi kami sa Kailangan Ko’y Ikaw kaya po sobrang thankful ako sa LUV U dahil kung hindi po dahil sa show na ito hindi po lalabas ’yung potential namin,” sabi ni Marco.

Ayon sa cast, marami pang kilig moments na dapat abangan sa show tulad na lamang ng one year anniversary celebration nila kung saan guest ang American composer at singer na si David Pome­ranz.

Bukod kina Miles, Marco, at Kiray, kasama rin sa cast ng LUV U sina Angeli Gonzales, Igi Boy Flores, CJ Navato, Smokey Manaloto, among o­thers.

vuukle comment

A MOMENT

ANGELI GONZALES

BULILIT

COCO MARTIN

DAVID POME

DAVID POMERANZ

JULIA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with