^

Pang Movies

Hollywood actress Michelle Rodriguez na bida sa Fast and the Furious nagbabakasyon sa Pilipinas

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa magandang review ng isang travel website sa ating bansa, ultimo Hollywood celebrities ay nagkakainteres na bisitahin ang Pilipinas, hindi dahil sa may trabaho sila rito kundi para maging turista lang.

Namataan sa Ninoy Aquino International Airport last Jan. 7 at 11: 45 a.m. ang Hollywood actress na si Michelle Rodriguez.

Sa isang brief na panayam sa kanya ng ilang reporters sa airport ay nandito siya sa Manila para magbakasyon. Malamang ay marami na siyang nabasa tungkol sa kagandahan ng Pilipinas kaya pinili niya ito.

Nakilala ang Latin-American actress dahil sa big Hollywood blockbuster movies na Fast and The Furious, Resident Evil, S.W.A.T., Blue Crush, Girlfight, at Avatar.

Gloria Romero naiyak sa ginawa ng GMA

Hindi mapigilan ng Movie Queen na si Gloria Romero ang maiyak nang mapanood niya ang audio-visual presentation para sa bago niyang drama series na Forever na kasama niya sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann.

Ayon kay Tita Glo, first time lang siyang nakagawa ng isang kakaibang drama series kaya malaki ang pasasalamat nito sa GMA 7.

“Hindi ko kasi naisip na sa edad kong ito (79 years old), makakagawa pa ako ng ganitong klaseng TV show.
“I’ve done so many series in the past, ngayon lang ako talaga naiyak sa napanood ko. Hindi ko alam kung bakit ako naging masyadong emotional. Siguro nga masayang-masaya lang ako sa paggawa ko ng show na ito,” dagdag pa ng beterang aktres.

Si Heart ang gaganap na batang Gloria Romero bilang Adora. Magkakaroon ng pabalik-balik na pag-iiba ang dalawa dahil sa isang antique na pocket watch na may magic na magpabata at magpatanda ulit kay Adora.

Gumanap na si Heart bilang batang Gloria Romero sa pelikulang Nobody, Nobody But Juan na ang bida ay ang yumaong King of Comedy na si Dolphy. Pero walang naging eksena na nagkasama sina Heart at Tita Glo.

Si Geoff Eigenmann ang lalaking mamahalin ng bata at matandang Adora. Pagpapatunay lang na ang panahon ay hindi magiging hadlang sa tunay na pag-iibigan.

vuukle comment

ADORA

BLUE CRUSH

FAST AND THE FURIOUS

GEOFF EIGENMANN

GLORIA ROMERO

HEART EVANGELISTA

KING OF COMEDY

MICHELLE RODRIGUEZ

MOVIE QUEEN

TITA GLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with