^

Pang Movies

AiAi hinabol sa Sisterakas!

Vir Gonzales - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinatunayan ni AiAi delas Alas ang pagiging Box-Office Queen muli sa Sisterakas na pinagsamahan nila nina Kris Aquino at Vice Ganda. Si AiAi ang hinabol ng mga tao na mapanood doon. Over exposed na naman kasi sa telebisyon sina Kris at Vice. Eh si AiAi matagal-tagal na ring hindi napapanood kaya humugos ang tao sa rami ng mga manonood sa mga sinehan.

Blessed si AiAi, hindi kasi maramot sa mga taong nakakatulong sa kanya. Unlike other stars na sobrang friendly kapag may bagong ipapalabas na pelikula pero pagkatapos ay dedma na. Manggagamit lang.

Cristine sinuwerte sa pag-ayaw ni Anne

Si Anne Curtis talaga ang kukuning unang asawa sana ni Laguna Gov. ER Ejercito sa El Presidente: The General Aguinaldo Story Story and the First Revolution. Kaya lang hindi available si Anne at nagkataong si Cristine Reyes ay walang ginagawa, kaya siya ang pumalit.

At least, nakatikim si Cristine na makasama sa filmfest movie at pawang premyadong stars ang nakatrabaho niya.

Mga niluto ni Barbara dinedma lang ng mga bata

Dinumog ang dating aktres na si Barbara Milano ng mga batang nagkakaroling sa kanyang bahay sa Talavera, Nueva Ecija. Sabi ni Barang, walang umuwing luhaan dahil ipinaghanda talaga niya ang mga bumisita sa bahay niya.

Napansin ni Barang, pagkabigay niya ng sobre sa mga bata, umalis na at ayaw tumikim man lang ng pinagpuyatan niyang lutuin. Natatawa na lang si Barang dahil ibang klase na raw ang mga bata ngayon.

Nabanggit niya sa amin na tatakbo siya uling konsehala sa paparating na eleksiyon.

Sharon problemado sa mga natatanggap na pagkain

Sa Jan. 9, bongga ang magiging birthday celebration ni Sharon Cuneta dahil makakasama niya mismo ang mga tagahanga sa kanyang show. Masaya si Sharon dahil kahit paano ay humahataw ang kanyang Sharon, Kasama Mo, Kapatid sa TV5. Iba raw pala ang feeling kapag personal na nakakaharap ang mga tagahanga.

Problema lang niya ngayon ay baka tumaba pa siya dahil lahat ng mapuntahan ay may pabaong sweets sa kanyang pag-uwi. Sa lahat, gustung-gusto ng Megastar ang durian candy.

vuukle comment

BARANG

BARBARA MILANO

BOX-OFFICE QUEEN

CRISTINE

CRISTINE REYES

EL PRESIDENTE

GENERAL AGUINALDO STORY STORY AND THE FIRST REVOLUTION

KASAMA MO

KRIS AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with