^

Pang Movies

Dahil sa ongoing na annulment, young actress hindi puwedeng ilantad ang karelasyong aktor

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ongoing ang annulment ng kasal ng isang young actress sa non showbiz husband niya. Although nagkaroon din ng kasal sa abroad, binasbasan din ng simbahan ang kanilang relasyon dito. Kaya nabusalan ang bibig ng girl sa paglabas ng anumang pahayag tungkol sa aktor na karelasyon niya ngayon.

Maging ang aktor eh walang direktang pahayag sa relasyon nila ng aktres kahit na nga nakikita na sila sa iba’t ibang okasyon ng pamilya ng aktor. Baka nga naman maging dahilan ang pahayag nila upang magkaroon ng problema sa annulment ng kasal ng aktres!

Pati nga ’yung non showbiz guy, tikom din ang bibig kahit lantaran na ang relasyon niya sa isang showbiz girl din. Para nga naman sa kapakanan nila ang pagiging tahimik sa kani-kanilang love life.

Once mapawalang-bisa ang kasal, hindi naman magdadamot ang aktres at ang karelasyon niyang aktor upang kumpirmahin ang relasyon.

John Lapus nanginig kay Bossing

Nanginginig din si John Lapus kapag kaeksena niya si Vic Sotto sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako. First time niya kasing makasama sa pelikula si Bossing, hindi gaya ni Sen. Bong Revilla, Jr. na ilang beses na niyang nakasama sa pelikula.

“First time ko kay Bossing at na-starstruck talaga ako! Totoo pala ’yung sinasabi nila na pagiging simpatico ni Bossing! Nakakatulala ’yung presence niya! Alam mo ’yung gano’n?

 “Kami nga ni Juday… Alam mo, si Judy Ann Santos na ’yon, nai-starstruck siya! Tulala. Pero si Bossing, off camera, tahimik pero ’pag camera na nakakatawa,” paliwanag ni John nang aming makausap.

Ano naman ang nararamdaman niya kapag kaeksena na niya ang dalawang higante sa takil­ya?

“Nung magkakaroon na kami ng eksena na dadalaw sina Enteng at si Agimat sa kaharian namin, ’yun na! Natulala na ako. ’Tapos si Bossing pa ang kaeksena ko. ’Tapos uma-adlib ang lolo mo! Muntik na akong ma-take two kasi muntik na akong matawa. Hahaha! Si Bossing, may baon! Napakahusay! Iba ang takbo ng utak ni Vic Sotto. Ang bilis, ang bilis ng pick up. Nakakatuwa talaga. Siya talaga ang susunod na Hari ng Komedya,” deklara ni Sweet na isa lang sa mga bigating artista kasama sa filmfest entry nina Vic, Bong, at Judy Ann!

Teen generation susubukan!

Huhusgahan na ang bagong young stars ng GMA Network sa pagsisimula ng youth-orien­ted series na Teen Gen (Teen Generation) na mapapanood after Party Pilipinas. Ang bagong grupo ng kabataang artista ang papalit sa tween stars na may kanya-kanya nang career.

Pangungunahan ng Protégé: The Battle For the Big Artista Break grand winners na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang bagong programa. Masisilayan din dito ang third gene­ration ng mga anak ng artista na sina Gab de Leon at Gianna Revilla.

Ang mga iba pang baguhan sa programa ay sina Juancho Trivinio, Dianne Hernandez, Sunyee Maluche, Enrico Abel Estanislao, Seth Patrick Isay, at join din sa cast si Arkin Magalona.

vuukle comment

ALAM

ARKIN MAGALONA

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

BONG REVILLA

BOSSING

DIANNE HERNANDEZ

JOHN LAPUS

NIYA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with