^

Pang Movies

Dennis at Bianca, selyado ang mga bibig

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung naging open noon sa pagsisimula ng kanilang relasyon sina Bianca King at Dennis Trillo, ngayong break na sila ay walang gustong magsalita isa man sa kanila. Si Dennis, nang makausap noong presscon ng Lost Command ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion ng Regal Entertainment, Inc. for the Metro Manila Film Festival simula sa Dec. 25, ayaw na niyang pag-usapan iyon. Mabuti nga raw tahimik ang buhay niya ngayon. Tahimik din si Bianca.

Kaya maraming naghihintay sa presscon ng entry ng GMA Films sa festival, ang Sosy Problems para matanong ang Kapuso actress at sana ay huwag nang mag-deny o umiwas sagutin ang tanong, tulad ng character niya sa movie na dinirek ni Andoy Ranay, si Danielle na itinatago ang tunay na kalagayan ng finances ng pamilya.

Martin walang planong layasan ang Kapamilya

Napanood namin ang trailer ng episode bukas sa Maalaala Mo Kaya at kitang-kita ang husay at seryosong pagganap ni Martin del Rosario, kasama si Tessie Tomas. Isa siyang batang iniwan ng ina (Aleck Bovick) sa pangangalaga ng lola (Tessie Tomas) na inapi-api lamang siya. 

Nabanggit namin ito kay Martin sa pocket interview niya bilang pasa­salamat dahil pang-fifth year na siyang endorser ngayon ng BNY Jeans. At 20, ganoon na raw siya talaga, seryoso sa lahat ng ginagawa niya. Kaya hindi kataka-taka na kung papipiliin siya ng role na gagampanan, gusto niyang i-try ang isang psycho killer. 

Mula sa Batch 15 ng Star Magic si Martin pero wala siyang ka-love team. Tinanong siya minsan kung sino ang gusto niyang makatambal, may ibinigay siyang name, ang kaso hindi raw puwede. Pero gusto niyang maka­trabaho si Julia Montes. May nagtanong sa kanya kung totoong lilipat siya ng network, tumanggi ang young actor. Wala siyang balak lumipat dahil this year lamang marami siyang nagawang projects — ang teleseryeng E-Boy, isang episode pa ng MMK, at Pintada.

Sa Star Cinema, nakasama siya sa The Healing ni Gov. Vilma Santos at ang horror movie na Amorosa. Out of his talent fee, nakabili na si Martin ng brand new car na birthday at Christmas gift na niya sa sarili.

Mag-pinsang Gabby at Geoff magpapasikatan sa pagra-rap

Naniniwala ba kayong mamalasin kayo kapag tumangging maging ninang o ninong sa binyag? Sasagutin ’yan ng mag-pinsang Gabby at Geoff Eigenmann mamayang 6:00 p.m. sa Mars nina Suzy Entrata at Camille Prats sa GMA News TV. 

Magluluto rin si Gabby ng beef picadillo at si Geoff ay magtuturo kung paano makagagawa ng Christmas tree mula sa luma at hindi ginagamit ng scrap ng kahoy. Magra-rap din sila. Sino kaya ang mas magaling?

vuukle comment

ALECK BOVICK

ANDOY RANAY

BIANCA KING

CAMILLE PRATS

DENNIS TRILLO

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

JULIA MONTES

TESSIE TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with