^

Pang Movies

Alang-alang sa kanilang show: Matteo pinipilit ma-link kay Jessy kahit may JM na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang ganda ng katawan ngayon ni Matteo Guidicelli na epekto ng kanyang pagiging active sa sports.

Dumarayo pa si Matteo sa ibang probinsiya at bansa para sumali sa triathlon. Bilib ako sa disiplina ni Matteo dahil regu­lar ang kanyang physical exercise.

Nagkita kami ni Matteo sa isang restaurant sa Quezon City noong Miyerkules dahil sa press interview na ipinatawag ng kanyang manager na si Jojie Dingcong.

Hindi na bata ang tingin ko kay Matteo dahil well deve­loped na ang kanyang katawan at dumanas na siya ng heartaches. As usual, tungkol sa nagwakas na relasyon nila ni Maja Salvador ang mga question kay Matteo na mukhang naka-move on na.

Maraming babae ang natuwa nang maghiwalay sina Maja at Matteo dahil may chance na sila na mapansin ng young actor na ideal boyfriend at hindi nakakahiya na ipakilala sa kanilang mga magulang.

Si Matteo ang leading lady ni Jessy Mendiola sa Precious Heart Romances Presents: Paraiso.

Pilit na inili-link ang dalawa sa isa’t isa pero may mga ayaw maniwala dahil halata raw na mahal pa rin ni Jessy ang ex-boyfriend na si JM de Guzman.

May mga speculation na nagkabalikan sina JM at Jessy dahil sa dialogue nito na handa siya na bigyan ng bagong chance ang kanyang ex-boyfriend na hindi mahirap mahalin. Sa mada­ling-salita, pang-telebisyon lamang ang sweetness nina Matteo at Jessy.

John James Uy mga aso’t pusa ang kapiling sa bahay

Five years na pala ang acting career ni John James Uy na alaga rin ni Jojie Dingcong.

Nagbubunga na ang sipag at tiyaga ni John James dahil napapansin na siya sa showbiz at nabibigyan ng mga role na pambida.

Never give up ang battlecry ni John James na seryoso sa kanyang goal na makilala bilang aktor at magkaroon ng name sa showbiz.

Matatas na si John James sa pagsasalita ng Ta­galog dahil pinilit niya na matuto. Alam ni James na may limitasyon ang kanyang showbiz career hangga’t hindi siya nagiging fluent sa pagsasalita ng wikang Pinoy.

Dog at cat lover si John James. Mga aso at pusa lamang ang kasama niya sa kanyang bahay na tinutuluyan na malapit sa ABS-CBN.

Kapag pumupunta sa ibang bansa si James, inihahabilin niya sa isang kaibigan ang mga alagang hayop. 

Madir ni Jillian at manager na ginawa ang lahat, may problema!

Wala sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako ang nanay ni Jillian Ward.

Ang stepfather ang kasama ni Jillian sa presscon. Kung sumama ang nanay ni Jillian, nagkita at nagkausap sila ng manager ng kanyang anak.

May mga balita na may problema sa pagitan ni Joe Barrameda at ng madir ni Jillian dahil nagiging difficult ang huli. Si Joebar ang dahilan kaya naging artista si Jillian at nakatulong ito sa pamilya. Ginamit ng manager ang lahat ng koneksiyon niya sa showbiz. Kung hindi dahil kay Joebar, hindi natupad ang pa­nga­rap ng bagets na makapasok sa showbiz.

 

vuukle comment

DAHIL

JAMES

JESSY

JILLIAN

JOHN JAMES

JOHN JAMES UY

KANYANG

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with