^

Pang Movies

‘14 years na ang relasyon sa non showbiz girl: tomboy ako ’ Monique Wilson!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang impact sa showbiz press ang pag-amin ni Monique Wilson na gay ito. Matagal nang alam ng local press ang tunay na sexual orientation ni Monique pero never nilang hinusgahan ang aktres.

Fourteen years na ang relasyon ni Monique at ng kanyang non-showbiz girlfriend. Ang ibig sabihin, true love ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. May mga kapwa singer na na-link noon kay Monique pero hindi naman napatunayan dahil walang ebidensiya.

Sure ako na madaragdagan ang mga tagahanga ni Monique dahil sa kanyang diretsahang pag-amin na tomboy siya. Hindi si Monique ang unang showbiz personality na umamin na tomboy dahil naunahan na siya nina Sharmaine Suarez at Piel Morena. 

Dahil sa pag-amin ni Monique, asahan natin na mabubuhay uli ang mga gay issue. May mga magtatanong kung kailan aaminin nina ganito at ganireng aktor ang kanilang sexual preference.

Maghintay-hintay tayo ng ilang panahon. Kung mapapansin ninyo, inamin nina BB Gandanghari at Monique Wilson ang pagiging gay nang tumuntong sila sa edad na 40-plus. Hintayin natin maging 40-plus ang edad ng mga aktor na matagal nang pinaghihinalaan na bading dahil baka sakaling umamin na rin sila, tulad ng American broadcast journalist na si Anderson Cooper na nagladlad sa edad na 45.

Gabriel Boyet na Boyet

Hindi lamang si Gianna Revilla ang showbiz royalty na mapapanood sa TGIS ng GMA 7 dahil kasali rin sa cast si Gabriel de Leon, ang bunsong anak na lalake nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Matagal nang gusto ni Gabriel na mag-artista pero tinapos muna niya ang pag-aaral dahil ito ang agreement nila ng kanyang mga magulang.

Si Mama Malou Choa-Fagar ang manager ni Gabriel. Si Mama Malou na jetsetter dahil kararating lamang niya mula sa London noong Miyerkules pero lumipad uli siya kahapon sa Bangkok, kasama ang ibang mga member ng PAMI.

Christopher na Christopher ang boses at  kilos ni Gabriel. Pareho sila ni Boyet na mahilig kumanta.

Kilala si Gabriel ng mga reporter dahil regular guest siya sa mga birthday party sa Imperial Palace Suites. I’m sure, namana rin ni Gabriel ang husay sa pag-arte ng kanyang mga magulang.

Nakakasiguro si Gabriel na walang magtatanong sa kanya kung si Nora Aunor ang nanay niya. Ganyan ang nangyari kay Bodie Cruz, ang anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti.

May isang fan na lumapit kay Bodie at nagtanong kung si Tirso ba ang kanyang ama. Nang sumagot ng oo si Bodie, may follow up question ang fan. si Nora Aunor ba raw ang nanay niya? 

Uulitin ko, isa lamang ang anak nina Nora at Boyet, si Ian de Leon. Lima naman ang anak nina Boyet at Sandy, tatlong lalake at dalawang babae.


 

 

vuukle comment

ANDERSON COOPER

BODIE

BODIE CRUZ

BOYET

DAHIL

GABRIEL

MONIQUE

MONIQUE WILSON

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with