^

Pang Movies

Angel ayaw maging swapang!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Uso na naman ang pag-pose ng sexy sa calen­dars ng alak at ilan nga sa image models nito ngayon ay sina Georgina Wilson at KC Concepcion at marami ang humanga sa walang takot nilang pagpapakita ng kaseksihan. Pero marami rin ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa napapapayag ang itinuturing na sexiest Pinay na si Angel Locsin na maging calendar girl ng nasabing brand ng mga alak.

Sabi nga aktres tungkol  sa bagay na ito ay choosy daw talaga siya sa pag-endorse ng mga ganitong produkto.

Dagdag pa niya, “Kahit noon pa, may mga nag-offer na sa akin.

“Kaya lang, that time… hindi naman ako umiinom.

“I don’t wanna endorse something na hindi ko naman ginagamit.

“Now, I’m drinking, but occasionally—i-clear ko lang, ha?

“Tingnan din natin kasi kailangang maging responsible tayo.

“Hindi lang basta-basta pera-pera lang, ganun. Maarte ako sa ine-endorse ko, ” pahayag ng napakaganda at seksing si Angel.

Samantala, usap-usapan din sa Kapamilya network na muling niyang gagawin ang Darna. May naririnig na nga raw si Angel ukol dito pero wala pang kasi­guraduhan kung tuloy o hindi ang nasabing proyekto?

“Kung sakaling ibigay ulit sa akin ‘yung bato ni Darna, ako’y magpapasalamat. Kung sakaling ibigay naman sa iba, better din.

“Kasi nga, ang Darna, ang laki ng naitulong sa akin, so huwag naman tayo maging suwapang, di ba?

“Pero masaya pa rin ako dahil kinunsider ako,” sambit pa ng bida ng Toda Max sa ABS-CBN.

Pagdating  naman sa usapin ng relasyon ni Angel sa football Azkals player na si Phil Young­husband, masaya ang dalaga dahil naayos na ang problema ng magkapatid sa kanilang team at nakabalik na ang mga ito.

 “Masaya siya kasi ‘yun talaga ang gusto niyang gawin, e. Kung may ibang tao, siguro ang sports ginagawang libangan, si Phil kasi buhay niya, e. Buhay niya talaga, e.

“Na kapag tinanggalan mo siya ng football, para mo siyang tinanggalan ng buhay.

“So he’s very happy to represent the country again,” sambit pa ni Angel.

                      

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AZKALS

BUHAY

DARNA

GEORGINA WILSON

PERO

PHIL YOUNG

TODA MAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with