^

Pang Movies

Nagkasakit kaya walang boses: REGINE itinuloy ang concert kahit panay ang piyok!

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Free concert ang pangako ni Regine Velasquez-Alcasid sa mga dumalo sa Mall of Asia The Arena para sa kanyang Silver concert pagkatapos na ma-cut short ang concert dahil walang boses ang Asia’s Songbird. Ayon sa isang nag-tweet tungkol sa nangyari, napansin nilang nagpa-flat ang boses ni Regine hanggang sa nauwi na ito sa pag-out of tune.

Nag-apologize naman ang singer-actress dahil bigla siyang nagkasakit sa araw mismo ng kanyang concert. Kesa naman daw na ikansela nila, itinuloy na lang para mag-show kahit na pumipiyok-piyok.

Wala namang nag-boo kundi mga “I love you” ang narinig na sinisigaw ng mga tao sa venue.

Pumayag na ang The Arena na mag-hold ng free concert si Regine para makabawi siya sa mga naghirap na pumunta sa kanyang concert.

Wala pa ngang exact date pero next year na raw ito magaganap dahil fully booked na ang The Arena hanggang sa katapusan ng taon.

Ang mga nanghinayang lang ay ang mga galing pang ibang bansa na umuwi sa Pilipinas para makapanood ng Silver concert ni Regine.

Lowfat ni Derek nawawala pa rin

 Sobrang natuwa si Derek Ramsay nang matagpuan na ang isa sa dalawa niyang asong nawawala noong nakaraang Sunday, Nov. 11.

 Sabay kasing nawala sa kanyang bahay sa La Posada Village sa Muntinlupa ang dalawang aso niyang sina Beyoncé at Lowfat. Si Beyoncé ay isang English bulldog samantalang si Lowfat ay isang pomeranian na dating pag-aari ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

 “Thank you Lord and thanks to all of you for your help. Beyoncé has been found but my other dog Lowfat is still missing. Tnx tnx tnx tnx. I’m so happy. Thank you guys for your help and prayers,” tweet ni Derek sa mga tumulong na hanapin ang kanyang mga aso.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Derek kung paano nawala ang dalawa niyang aso at kung saan nahanap ang bulldog. Hindi rin nabanggit kung binigyan ba niya ng reward ang nakahanap kay Beyoncé.

Marami ang naghihintay kung magtu-tweet si Angelica tungkol sa nawala niyang aso na si Lowfat na nasa pangangalaga na ni Derek.

Justine Ferrer pinalitan si BB Gandanghari

 Ang celebrity transsexual at Survivor Phi­lippines Palau castaway na si Justine Ferrer ang papalit kay BB Gandanghari sa role nito bilang Raquel Villasor sa dramatic-comedy play ni Jose Javier Reyes na Sayaw ng mga Señoritas.

Kasama sa cast sina Soxie Topacio, Joel Lamangan, Manny Castañeda, at Arnell Ignacio.

Nagbukas ang play noong Nov. 16 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at itutuloy ito sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo in Quezon City.

Si BB pa ang lumabas bilang Raquel sa opening night ng play pero lilipad na ito for New York kaya hindi na niya maitutuloy pa ang kanyang paglabas.

Sa kuwento sa amin ni Justine via Facebook, may nag-recommend sa kanya sa direktor ng Sayaw ng mga Señorita na si Jun Pablo at pinapunta siya para sa isang “go-see.”

“After the director talked with me and asked if I can memorize the script in less than two weeks, I said yes, I can do it. And he also asked about my theatre background which I have before. And maybe with all that he was convinced that I can do the role,” kuwento ng dating castaway.

     Lalabas sa AFP Theatre on Nov. 23 and 24 at sa Dec. 1 si Justine.

  Maayos na ang lagay ng kanyang fiancé na si Richard Lyle na inoperahan dahil sa kidney cancer last July pero siya pa rin ang nag-aalaga.

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ARNELL IGNACIO

BEYONC

CAMP AGUINALDO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DEREK

JUSTINE FERRER

LOWFAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with