^

Pang Movies

Baron kailangan na ng Psychiatrist

Ed de Leon - Pang-masa

Balolang na naman si Baron Geisler. Hinuli siya ng pulisya matapos na manggulo sa isang tindahan sa Fairview sa Quezon City. Wala namang kaaway si Baron. Basta pumasok na lang siya sa tindahan at biglang nanggulo roon. Tumawag ng pulis ang may-ari ng tindahan na agad namang dumating. Hinuli nila si Baron na nakapaghimas ng rehas sa presinto ng pulisya sa Fairview.

Kung sabagay, ano naman ang bago eh madalas nang gawin ni Baron ’yun? Kadalasan na nga lang hindi na siya pinapansin lalo na kung ang napapagtripan niya ay mga taga-showbusiness din. Sa showbusiness kasi parang tanggap na nila na ganyan na nga ang aktor. Parang hindi naman siya gumaling sa rehab. Sinasabi lang na nagbago siya sa tuwing lalabas siya ng rehabilitation center pero ganoon pa rin ang bagsak.

Marami nga ang nagsasabi, nakakakuha pa siya ng pribilehiyo sa rehab, para siyang naka-hospital arrest din sa halip na sa city jail pumasok.

Ewan pero isa kami sa maraming naniniwala na panahon na nga siguro para masampolan iyang si Baron. Basta nakatikim iyon ng buhay sa City Jail, siguro titino na iyon kasi ang nangyayari eh maraming pumapadrino eh. Nakakalusot siya kaya hindi talaga nadadala. Halimbawa iyang nangyaring iyan ngayon, ni walang provocation. Basta pumasok sa tindahan at nanggulo, paano mo maipapaliwanag iyon? Masasabi ba niyang may ginawa na naman siyang ganoong role at hindi siya nakabitaw kahit na tapos na ang taping niya?

Palagay namin, kailangan na nilang aminin ang katotohanan na kailangan na ni Baron ang professional help. Hindi rehab eh. Kailangan niya ang isang psychiatrist. 

Maricel nabuhay sa naipon kahit na-depress at walang trabaho ng dalawang taon

Samantala, umamin naman ang aktres na si Maricel Soriano na siya nga ay nagkaroon ng depression sa loob ng dalawang taon. Marami na nga siyang problema ’tapos nasabayan pa iyon ng kamatayan ng kanyang ina, na lalong nagpalala sa kanyang depression. Inamin niyang iyon ang dahilan kung bakit nanahimik muna siya at hindi kumilos ng dalawang taon. Wala siyang tinanggap na trabaho at nabuhay siya sa kanyang savings na naipon noong araw.

Iyon namang si Maricel, sa rami ng pro­yekto niya noon at kung iisiping isa siya sa highest paid actress kahit na siguro sampung taong magpahinga ay kayang-kaya niya.

Pero ngayon, desidido na siyang magbalik sa showbusiness. Medyo mali nga lang ang unang diskarte pero ngayon ngang nasa ABS-CBN na siya ulit, palagay namin mas magiging okay ang takbo ng kanyang career.

Aktor na kumayod sa abroad nagulat pagbalik, asawa nagpasasa pero miserable ang mga anak

Masakit din naman ang nangyari sa isang dating aktor. Nang lumamlam na ang kanyang career, nag-abroad siya para roon maghanap ng trabaho. Blue collar job ang trabaho niya pero okay lang basta kumita ng pera at masuportahan niya ang kanyang mga anak.

Nang magbalik siyang bigla at saka niya nalaman na ang nagpapasasa lang pala sa kanyang kinikita ay ang kanyang asawa at miserable ang naging buhay ng kanyang mga anak. Nagalit siya pero ano pa nga ba aang mangyayari?

 

vuukle comment

BARON GEISLER

CITY JAIL

FAIRVIEW

HINULI

KANYANG

MARAMI

MARICEL

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with