^

Pang Movies

John Lloyd at Angelica sinusulit ang nararamdamang kaligayahan!

- Pang-masa

Ibinalita sa Umagang Kay Ganda na kasama palang nag-celebrate ni Angelica Panganiban ng birthday ang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa Japan. Nag-post pa ng mga pictures ang aktres sa kanyang Instagram na kuba sa isang restaurant sa Japan.

Mukhang sinusulit nina Angel at Loydie ang happi­ness na nararamdaman  sa kanilang relasyon. Sa mga tweets nga ng aktres, mababakas mo na talagang sobrang saya niya ngayon.

Anyway, palabas na ang indie film ni Angelika na Madaling Araw Mahabang Gabi sa buong mundo sa pay per view online. Dito naman sa Pinas ay showing siya sa SM Cinemas.

More or less ay tatakbo ng mga two months ang movie online at bago ang konseptong ito kaya say ng direktor/producer na si Dante Nico Garcia, sana raw ay maging matagumpay ang ideyang ito.

Baguhang sexy star walang kiyemeng nag-frontal!

Viva’s New Sex Goddess ang bansag sa baguhang si Yam Concepcion. Tinatawag din siyang Anjanette Abayari look-alike at ginu-groom ng Viva na maging another Cristine Reyes.

Matatandaang dating hawak ni Joyce Jimenez ang bansag na Sex Goddess kaya naman aminado si Yam na medyo pressured siya sa bigat ng titulong ibinigay agad sa kanya ng Viva.

Kahit kasisimula pa lang ay may ingay na agad si Yam dahil sa pagiging cover girl niya ng FHM Mag last October. Pinag-uusapan na rin ang debut film niyang Rigodon, a romance-thriller directed by Erik Matti.

Sa nasabing pelikula ay buong tapang na naghubad si Yam as in frontal nudity talaga.

 “I’m sure maraming magki-criticize kung bakit ko ginawa ‘yun, bakit ganun, but for me, I believe that we should focus on how you were able to do a certain scene like that.  Hindi lang naman siya naghubad na ‘yun na ‘yun,” she said nang makatsikahan ng press sa Viva office.

“There’s something deeper to that because we do workshop, dami talagang prosesong dinaanan bago nagawa ‘yung ganun klaseng eksena,” dagdag pa ng sexy star.

Handa na ba siyang pagpantasyahan ng mga lalaki?

“Is it the negative side or positive side? Well, kilala ko ang sarili ko and I have good relationship with my true friends and my parents and family.  So okay lang din kung negative, kasi life naman in general, you get good comments and bad comments.  You don’t get offended,” she said.

Sa nalalapit na pagbubukas ng Rigodon on Nov. 21 sa SM and Ayala Cinemas, aminado si Yam na ninenerbiyos siya.

“Nakaka-nerbiyos kasi, buti sana kung matagal na ako na sa industriyang ito,” she said.

Kasama rin ni Yam sa movie sina Maxene Eigenmann at  John James Uy.

Yam is only 23 years old at nagtapos sa College of St. Benilde sa kursong Multimedia Arts. Before joining showbiz,  naging part-time art teacher daw siya ng mga batang edad dalawa hanggang tatlong taon sa Alabang.

Nadiskubre siya ng dating singer na si Claire de la Fuente sa isang music video ng rock band na Mayonnaise at dinala siya kay boss Vic del Rosario.

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANJANETTE ABAYARI

AYALA CINEMAS

COLLEGE OF ST. BENILDE

CRISTINE REYES

DANTE NICO GARCIA

ERIK MATTI

JOHN JAMES UY

JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with