^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming basura ng kandidato

Pang-masa
EDITORYAL - Daming basura ng kandidato

Matiwasay ang nagdaang election subalit maraming naiwang basura ang mga kandidato. Hanggang ngayon, marami pang nakadikit na campaign materials sa mga pader at may mga nakasabit pang tarpaulin sa mga punongkahoy at poste ng kuryente. Noong mismong araw ng election sa Metro Manila, gabundok na basura ang naiwan ng mga kandidato. Nagkalat ang mga sample ballot na ipinamamahagi. Kahit sinabi ng Comelec na hindi na kailangang mamudmod ng sample ballot hindi pa rin sumunod ang mga kandidato. Ang resulta: tambak ang papel sa eskuwelahan na pinagdausan ng halalan. Bukod sa papel, nakatambak din ang mga basurang pamaypay at kung anu-ano pang pinamimigay sa botante.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 1.44 tonelada ang nakolektang basura isang araw makaraan ang election. Karamihan sa nakuha nilang basura ay sample ballots, plastic bottles at food packs.

Pero ang pinakamasakit sa mata ay ang mga nakakabit na campaign posters at streamers ng mga kandidato. Hanggang ngayon, nananatili pa sa mga pader, bakod, poste ng kuryente ang campaign materials. Walang kandidato na nagkukusa?

Binatikos ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato at supporters dahil sa mga basurang naiwan noong election. Sabi ng grupo, dapat maging ­responsable ang mga kandidato at magkusang hakutin ang kanilang mga basura.

Ayon kay Cris Luague, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste, lagi na lamang nagiging problema ang ganitong sitwasyon pagkatapos ng election at hindi naman naiisip ng mga kandidato ang epekto ng mga ikinalat nilang basura.

Nagpapahiwatig na malapit na ang tag-ulan. Marami na ang binabahang lugar sa Metro Manila. Kung magpapatuloy ang pag-ulan sa hapon, tiyak na aapaw na naman ang mga kalsada. Paghupa ng baha, maiiwan ang mga basura.

Sabi ng DENR, i-recycle ang mga basurang naiwan ng election. Maari pa raw pakinabangan ang mga ito. ‘Yan ang nararapat. Kung ire-recycle, maiiwasang humantong ang basura sa mga estero at ilog na ha­hantong naman sa dagat. Mamamatay ang mga isda.

Obligahin naman ng Comelec ang mga kandidato (nanalo o natalo) na alisin ang kani-kanilang campaign materials bago sumapit ang tag-ulan at tagbaha. Kawawa ang mamamayan. Babara sa drainages ang mga basura ng kandidato.

KANDIDATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with