^

Punto Mo

Tinaguriang pinakamahal na balahibo ng ibon, naibenta ng $46,521!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Naibenta ng isang auction house sa New Zealand ang balahibo ng extinct na ibon sa halagang 46,521 New Zealand dollars!

Hindi inakala ng Webb’s Auction House na masusubasta nila sa halagang $46,521 (P1.6 million) ang isang pirasong balahibo ng Huia bird dahil ang expected selling price lamang nila dito ay $1,800.

Ang Huia ay isang extinct na specie ng ibon na matatagpuan noon sa New Zealand. Huling namataan ito noong 1907. May mga sightings ng ibon na ito nitong mga nakaraang 30 taon ngunit walang makapagpatunay kung totoo ito.

Ang ibon na ito ay sagrado para sa mga native Maori people ng New Zealand. Para sa kanila, mga taong may matataas na katungkulan lamang ang maaaring magsuot ng head gear na may balahibo ng Huia bird.

Ayon sa spokesperson ng Webb’s Auction House, nasa magandang kondisyon ang naturang balahibo. Wala itong insect damage at kitang-kita pa ang kintab nito.

Upang mapangalagaan, nasa ilalim ito ng isang programa ng New Zealand Ministry of Culture and Heritage kung saan pinuprotektahan ang mga bagay na may cultural significance. Hindi rin ito maaaring ilabas ng bansa nang walang pahintulot ng naturang ahensiya.

Sa kasalukuyan, walang impormasyon kung sino ang nakabili ng mamahaling balahibo.

vuukle comment

NEW ZEALAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with