^

Punto Mo

Maid of Honor (133)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nang tapos na ang bahay, agad na lumipat sina Inah at kanyang itay at inay. Kumpleto sa gamit. Ibinili niya nang malaki at malambot na kama ang kanyang itay at inay. Noon pa, lagi nang sinasabi ng kanyang inay na gusto nito na nakahiga sa malambot na kama.

Ibinili rin niya nang ma­laking flat screen TV sapagkat ito naman ang hiling ng kanyang tatay. Gusto raw nitong mapanood ang mga lumang pelikula nina FPJ at Rudy Fernandez.

Isang malaking ref din ang binili niya sapagkat gusto ng ama at ina na may malamig na softdrink.

Ibinigay niya ang mga kailangan ng kanyang itay at inay. At kung mayroon pangt hihili­ngin ang mga ito ay ipagkakaloob niya.

Ang bahay ay may limang malalaking kuwarto. May sarili siyang kuwarto at si Yana. May mga comfort room bawat kuwarto. Mayroon ding guest room na tutuluyan naman nina Kuya Honor at Ate Bianca kung magbabakasyon sila rito.

Nagpagawa rin si Inah ng kubo sa likod ng bahay para kung summer ay dito sila magpapahinga. Tinaniman niya ng punong mangga para malilim. Sa paligid ng bahay ay pawang namumulaklak na halaman.

Habang pinagmamasdan ni Inah ang bahay ay napapangiti siya. Hindi siya makapaniwala na natupad ang pangarap niya para sa kanyang itay at inay. Nakabawi na siya sa mga pagkukulang sa kanyang mga magulang. Naipagkaloob na niya sa mga ito ang pinapangarap. Wala na siyang mahihiling pa.

MAKALIPAS ang anim na buwan, nagbakasyon sina ­Honor, Bianca at Yana, Dalawa na ang anak nina Honor. Hangang-hanga sina Honor sa malaking bahay na pinagawa ni Inah.

“Mawiwili kaming umuwi rito, Inah,’’ sabi ni Honor. “Aba e napakalaki at kumpleto ang bahay mo. Parang nasa hotel.’’

“Oo nga Inah. Ang sarap dito!” sabi ni Bianca.

“Kahit po buwan-buwan e magbakasyon kayo rito walang problema.”

“Sige sinabi mo yan ha? Next month narito uli kami,’’ sabi ni Bianca.

“Opo Ate Bianca. Gusto ko nga lagi kayong narito para masaya tayo. Nasasabik ako sa inyo!’’

“Hayaan mo at matutupad ang wish mo!’’

Nang biglang may maalala si Inah.

“Isama po ninyo si Kuya Rocky. Hindi po siya sumasagot sa text ko o tawag. Baka bago na number niya. Ilang beses kong tinawagan pero walang sagot.’’
“Naku malungkot ang nangyari kay Rocky kaya hindi siya makausap,’’ sabi ni Honor. “Kawawa naman siya, Inah.’’

“Anong nangyari sa kanya, Kuya Honor?’’ nag-aalalang tanong ni Inah.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with