^

Punto Mo

Kung paano ka husgahan base sa iyong hitsura (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG mga sumusunod na “human attractive facts” ay base sa pagsasaliksik ng mga psychologist sa U.S.:

• Sa dalawang empleyadong parehong may magandang educational background at impressive job experience, mas nauunang tumaas ang posisyon at suweldo ng physically attractive kaysa less attractive. Ang tawag dito ay “beauty bias”.

• Sa justice system, may pangyayaring mas mababa ang sentensiyang natanggap ng isang presong may hitsura kumpara sa pangit na preso sa magkaparehong kaso.

• Ang attractive na pulitiko ay mas maraming news coverage kaysa pangit na pulitiko.

• Kahit wala pang kamalayan sa “beauty bias”, hindi sinasadyang mas pinipili ng isang bata ang kalarong malinis at may hitsura kaysa dugyutin.

• Kapag nalantad sa isang babae kung ano talaga ang sukatan ng ideal body image, bumababa ang satisfaction niya tungkol sa kanyang pisikal na hitsura.

• Mas gustong ipalabas ng mga director ng news program ang tungkol sa napatay na attractive victim kaysa biktimang walang hitsura.

• Nabanggit minsan ng Greek philosopher na si Aristotle: “personal beauty is a greater recommendation than any letter of reference.”                                        

(Itutuloy)

vuukle comment

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with