^

Punto Mo

Balitang walang ­pag-asa, Bagyong ­Hudas parating na!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

INABANDONA na si dating President Digong ng mga desperadong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na noon ay nakinabang sa kanyang administrasyon. Weder weder lang!

Magpapakanlong na sila sa BBM administration. Karamihan sa kanila ay mga dating sumisigaw na “magnanakaw ang pamilya Marcos!” Kapuso at kapamilya na sila ngayon. Iba ang saya kapag sama-sama! Okey ‘di ba?

Karaniwang ugali na ng mga pulitiko ang lumundag sa administration’s political party para makasigurong makakasalo sa hapag ng pakinabang. Ang bagong sigaw ng bayan ay, “Give me money and I will give you liberty”. Ha-ha-ha!

Mag-uudyukan ang magkabilang kampo. May isang tinig na sila para sumigaw ng “Open Sesame”. Yabba Dabba Doo!

Bago dumating ang 2025 midyear election, aagos na ang pera ng bayan para sa bagong mga kaalyado na bubuo ng “kalabit penge brigade”. Tataas na naman ang presyo ng bilihin dahil sa inflations. Sigurado ‘yan, kaya walang sisihan!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with