^

Punto Mo

Hindi pa nire-release ang final pay

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Noong Pebrero 29 pa po ang naging last day ko sa trabaho pero hanggang ngayon ay hindi ko pa natatanggap ang final pay ko. Nagdadahilan po ‘yung agency na kesyo raw nakadepende sa clearance process ang pag-release ng final pay. Hindi pa raw tapos ang clearance process ko kaya hindi pa raw malinaw kung kailan ko makukuha ang aking final pay. Tama po ba sila? — Rene

Dear Rene,

Malinaw ang Labor Advisory No. 06 Series of 2020 na inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong 31 January 2020 na may tatlumpung araw ang employer para i-release ang final pay ng umalis na empleyado.

Nakalagay rin sa nasabing labor advisory na bibilangin ang tatlumpung araw “from the date of separation or termination of employment, unless there is a more favorable company policy, individual or collective agreement thereto.”

Ibig sabihin, mula sa pagkawalay sa trabaho bibilangin ang tatlumpung araw, bukod na lang kung may mas maikling panahon para sa pag-release ang final pay base sa polisiya ng kompanya o sa napagkasunduan ng kompanya at ng empleyado o ng mga empleyado nito, kung mayroon man.

Samakatuwid, bagama’t may karapatan naman ang employer na magtakda ng makatwirang clearance process, malinaw na ang 30 araw ay bibilangin mula sa huling araw ng empleyado sa trabaho.

Kung ipipilit ng agency ang kanilang interpretasyon at hindi pa rin nila ire-release ang iyong final pay ay mabuting mag-file ka na ng complaint sa DOLE upang malinawagan ang iyong dating agency sa kung ano ang sinasabi ng batas ukol sa pagre-release ng final pay.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with