^

Punto Mo

Tattoo bawal sa mga pulis!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga nagpaalala ang pamunuan ng PNP patungkol sa pagbabawal sa mga police applicant sa pagkakaroon ng tattoo, at yung mga nasa serbisyo naman at nagtataglay ng tattoo lalo na at visible, kailangan umano nilang ipabura ang mga ito.

Ayon nga kay PNP-Public Information Office (PIO) chief Police Col. Jean Fajardo nababatay ito sa  ilalim ng memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nitong Marso 19, 2024.

Sinasabing ang mga uniformed, non-uniformed police kasama ang civilian police ay kina­kailangang magpabura  ng kanilang tattoo na nakikita.

“For some sinasabing creative art ito, expression of oneself belief sa artistic side po nila but in every right there’s a boundaries dito ay nasa loob tayo ng uniformed service kasi pangit na naka uniformed ang pulis natin na tadtad ng tattoo,” dagdag pa ni Fajardo.

Doon sa mga nagsasabing nakatago naman ang kanilang mga tattoo kailangan ding magsumite ng affidavit upang ideklara na ang mga tattoo niya na hindi nakikita at kailangan na huwag na itong dagdagan sa anumang parte ng kanyang katawan.

Kabilang sa mga tatoo na pinapatanggal ay ang tinatawag na extremist tattoos, ethnically o religiously discriminatory,  offensive tattoos, indecent tattoos, acist tattoos at sexist tattoos.

Hindi naman saklaw sa kautusan ang mga aesthetic tatoos kabilang ang eyebrows, eyeliner at lip tattoo.

Matindi ang babala sa mga pulis na tatanggi sa polisiya,  mahaharap sila sa kasong administratibo.

Bawal na ring pumasok ang mga police applicant na mayroong tattoo, bibigyan sila ng tatlong buwang palugit upang tanggalin ang kanilang tattoo. Dapat ay sundin ng mga nais na magpulis ang  regulasyon ng  PNP.

vuukle comment

TATTOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with