Maid of Honor (100)

HINDI humihinga sina Honor at Rocky habang binubuksan ni Inah ang kandado ng black bag.

Ang susi na ginamit ni Inah ay ang susi rin na ginamit sa main door at sa room na pinagtaguan ng black bag.

Nang mabuksan ni Inah ang bag, halos lumuwa ang mga mata nina Rocky at Honor sa dami ng pera sa bag.

“Ang daming pera!’’ sabi ni Rocky.

“Magkano kaya ‘yan?’’ tanong ni Honor.

Nanatiling nakatingin si Inah sa bag.

“Ano ang gagawin natin sa pera, Bro?’’ tanong ni Honor.

“Ako ang magbibitbit ng bag.’’

“Saan tayo pupunta Kuya?’’ tanong ni Inah.

“Sa police headquarters na kinarorooonan ng kapatid ko.’’

“Tayo na kung ganun, Bro.’’

Binitbit ni Rocky ang bag.

Lalabas na sila nang makarinig sila ng mga yabag sa labas.

“May tao sa labas,’’ sabi ni Rocky. (Itutuloy)

Show comments