^

Punto Mo

Lalaki mula Nigeria, 60 oras na naglaro ng chess para sa Guinness World Records

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 29-anyos na chess player mula sa Lagos, Nigeria ang walang tigil na nag­­laro ng chess sa loob ng dalawang araw at kalahati. Ito ay para makapagtala siya ng bagong world record sa titulong “Longest Chess Marathon”.

Si Tunde Onakoya, isang chess champion at child education advocate ay kasalukuyang nakabase sa New York. Ginawa niya ang world record attempt na ito para makalikom ng $1 million na gagamitin niya sa pagtulong sa mga eskuwelahan sa Africa.

Naganap ang world record attempt sa Times Square sa New York City kasama ang isa pang chess champion na si Shawn Martinez bilang kanyang kalaban. Nagsimula ang chess marathon noong 10:00 a.m. ng Abril 17.

Sa bawat isang oras na paglalaro nina Onakoya at Martinez, pinahihintulutan sila ng Guinness organization na magkaroon ng break time na limang minuto. Maaari rin nilang ipunin ang kanilang break time para gamitin ito sa mas mahabang pagpapahinga.

Dumalo sa record attempt ang ilang Nigerian nationals bilang witnesses at para na rin bigyan ng suporta ang kanilang kababayan na si Onakoya. Ang naunang plano ni Onakoya ay 58 oras lamang ang kanyang goal na record ngunit ipinagpatuloy na niya ito hanggang 60 oras.

Matapos ang 60 oras, nahigitan ni Onakoya ang previous record holder na sina Hallvard Haug Flatebø at Sjur Ferkingstad ng Norway na may 56 oras na record time.

Pagkatapos ng record attempt, nakalikom si Onakoya ng $22,000 para sa kanyang charity. Sa kasalukuyan, hinihintay pa ni Onakoya ang kumpirmasyon ng Guinness dahil bineberipika pa ng records keeping organization ang mga isinumite na pruweba sa naganap na record attempt.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with