PCSO, kumita ng P61.45-B noong nakaraang taon!
HAPPY birthday Claudia!
• • • • • •
Kumita ng whooping P61.45 bilyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2023. Natuwa si PCSO general manager at vice chairman Mel Robles sa development na ito dahil ang ibig sabihin ay malaking pondo ang mailalaan sa kanilang charity fund. Ngayong 2024, aabot sa P18.4 bilyon ang ipapamahagi ng PCSO sa Malasakit Fund at iba pang tulong sa mga mahihirap na Pinoy na may sakit. Eh di wow!
Ayon sa charter ng PCSO, 30 percent ng kanilang kita ay mapupunta sa charity fund samantalang ang 70 percent ay sa kanilang operational fund at sa premyo ng kanilang palaro. Get’s n’yo mga kosa? Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa records ng PCSO, kumita sila ng P31.37 bilyon sa lotto noong 2023, samantalang sa Small Town Lottery naman ay P29.73 bilyon. Ang Instant Sweepstakes naman ay kumita ng P344.24 milyon. Kapag pinagsama ang kita ng mga palaro ng PCSO, tumataginting na P61,456,455.08 ang kinita sa 2023 na mas mataas ng pitong porsiyento sa kita na P57.467 bilyon noong 2022. Kaya sa mga Pinoy diyan, tumaya lang sa mga palaro ng PCSO at ‘wag sa mga online gaming na lolokohin lang kayo. Mismooooo!
Sinabi ni Robles na noong 2022 kumita ang lotto games ng P28.42 bilyon, P28.42 bilyon sa STL P1.06 bilyon sa Instant Sweepstakes at P54.46 milyon sa pinahintong Keno games. Ang lahat-lahat na kita ay umabot sa P57,467,795,449.94 bilyon. Eh di wow! “We increased our total revenues year-on-year by about P4 billion,” ang sabi ni Robles kay Rainier Allan Ronda, ng Philippine Star at Merpo president. Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ang P61.45 bilyon na kita ng PCSO games ay nangangahulugang bumabawi o lumalakas na ang palaro ng PCSO, tulad ng lotto at STL, magmula ng tumama ang pandemya, hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo. Bago kasi mag-pandemic kumita ang PCSO sa kanilang lotto at STL games ng P44.02 bilyon at 40 percent ito sa kita sa taong 2023. Sa kalagitnaan ng pandemic, sumadsad ang kita ng PCSO bunga sa warning nf Department of Health sa mga Pinoy na ‘wag lumabas sa kanilang bahay at baka tamaan ng nakakamatay na COVID-19. Dipugaaaa! Hehehe! Naging leksiyon sa mga Pinoy ang pandemic at ang isang dapat isaisip ay ang mag-ipon para may dudukutin tuwing peligrong panahon! Mismooo!
Dahil full recovery at profitable na ang mga palaro ng PCSO, ang ibig sabihin nito ay aarangkada na din ang pondo ng mga kawanggawa na aktibidades ng kanilang ahensiya, ani Robles. “The banner revenue performance of our lotto and STL games means a higher allocation for the PCSO’s Charity Fund,” dagdag pa ng PCSO general manager.
Kaya nagpapasalamat si Robles sa mga Pinoy sa patuloy nilang pagsuporta at pagtangkilik sa kanilang palaro kung saan marami ang makikinabang sa kanilang charity funds. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!
- Latest