^

Punto Mo

Maid of Honor (96)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAAN nakalagay ang pera?’’ tanong ni Honor kay Inah.

“Sa black bag po, Kuya.’’

“Gaano kalaki ang bag?’’

“Parang maliit po na maleta na may hawakan. Leather po ang bag.’’

“Saan nakatago?’’

“Sa isang room po na pinagtataguan din ng mga illegal drugs, contraceptives, condom at mga heringgilya. Mayroon din pong gamot para sa abortion. Nandun din ang mga ginagamit na pang-torture sa mga kapwa Chineses na hindi nagre-remit ng kita.’’

“Saan naman matatagpuan ang room na sinasabi mo, Inah?’’

“Sa building na katapat ng KTV na pinanggalingan natin Kuya.’’

“Dun lang?’’

“Opo. Pero mahirap mapasok ang building dahil walang maraming pinto.’’

Nagtawa si Honor.

“Maraming pinto pero mahirap mapasok? Paano yun?’’

“Isa lang po sa pinto ang totoo—ang iba pa, drowing lang.’’

“Ah, mahirap nga. Pero ikaw kabisado mo?’’

“Oo Kuya. Kabisado ko ang pinto. Sa hipo lang, alam kong yun ang taguan ng mga epektos at iba pang illegal.’’

“Kailangan malaman ito ni Rocky. Tayong tatlo ang pupunta roon.’’

Tinawagan ni Honor si Rocky. Sinabi ni Honor ang mga ipinagtapat ni Inah.

“Pupunta ako diyan ngayon. Paplanuhin natin ang pagkuha sa pera.’’

Nang dumating si Rocky, plinano nila ang lahat.

Hanggang sa mabuo ang planong pagpunta sa gusali na kinaroroonan ng black bag na may pera. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with