^

Punto Mo

Batang babae na tinaguriang ‘Female Hercules’, kayang bumuhat ng 165 pounds na barbell!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG siyam na taong gulang na batang babae sa India ang nag-viral dahil sa kakaya­han nitong mag-deadlift ng 165 lbs o 75 kilos na barbell!

Unang napansin ang angking lakas ni Arshia Goswani noong 2022 nang hirangin siya bilang “India’s Youngest Deadlifter” dahil sa kanyang personal best na 45 kilograms.

Matapos parangalan ng India’s Book of Record, lalo pang pinagbuti ni Goswani ang kanyang weight training. Taon 2023 nang maging 60 kilograms ang kanyang personal best at nakapagtala siya ng Asian record para sa kanyang age class.

Ngayong 2024 pinag-usapan ang kanyang ­Instagram post kung saan mapapanood na kaya na niyang mag-deadlift ng 75 kilos.

Dahil doble ng kanyang body weight ang binuhat na barbell, maraming humanga at hindi makapaniwala sa lakas ni Goswani para sa kanyang edad. Pero hindi rin maiwan na may mag-alala para sa kalusugan ng bata. Ayon sa mga ito, baka maging hadlang ang pagbubuhat ng mabigat sa kanyang ­paglaki at pagtangkad.

Bilang isang certified weight training coach, pinabulaanan ng ama ni Goswani ang mga pangamba sa paglaki at pagtangkad ng kanyang anak. Sinabi nito na nagsagawa na siya ng extensive research at kumuha pa siya ng certification course para pag-aralan kung makakasama ba sa kanyang anak ang weight training. Ayon dito, hindi niya haha­yaan na mapahamak at mapasama ang kalusugan ng kanyang anak.

 

vuukle comment

HERCULES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with