^

Punto Mo

Mga isyu sa boyfriend na dapat isipin bago magpakasal

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Siya lang ang bumubuhay sa kanyang mga magulang at kapatid. Kapag nagpakasal kayo, magiging kontrabida ka sa kanila. Siyempre, mababawasan ang sustento ng pamilya dahil nariyan ka na, na makikihati sa grasya. Kahit pa may trabaho ka. Hintayin mong may kapatid na humalili sa pagbuhay ng kanyang pamilya o maturuan niya ang kanyang pamilya na tumayo sa sarili nilang paa. Kung babalewalain mo, habang buhay ‘yan nakaasa sa magiging asawa mo.

• Walang imik. Hindi siya komportable na magprangkahan kayo kapag may problema. 

• Kinaliwa ka niya. Huwag magpakasal sa boyfriend na nangaliwa. Kung nagawa niya noong una, siguradong may susunod pang pangangaliwa ‘yan. Kasabihan ng matatanda, iyang ahas ay nagpapalit ng balat hindi para magpalit ng anyo kundi para bigyan ng space ang paglaki ng kanyang katawan.

• Nabawasan na ang kanyang paglalambing. Delikado iyan, baka nawawalan na ng gana sa iyo at nahihiya lang umamin.

• Adik sa alak, drugs o sugal. Magpa-rehab muna bago magpakasal.

• May mabigat siyang pinagdadaanan: namatayan, may mabigat na sakit ang isang kapa­milya, may malaking problema sa trabaho.

• Hindi pa man asawa ay napakadominante nito sa iyo. Kinokontrol ka niya at hindi ka makalaban.

• May hinaharap na mental health issues.

• May sikretong itinatago sa iyo.

• May mataray at dominanteng ina o ama.

vuukle comment

BOYFRIEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with