^

Punto Mo

Tigil-pasada uso pa ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kasabay sa ikinasang malawakang tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela, kasado na rin naman ang panlaban dito na mga libreng sakay ng pamahalaan para sa mga maapektuhan ng naturang dalawang araw na pagkilos na magsisimula ngayong araw (Abril 15).

Tiwala naman ang ibang grupo ng transportasyon partikular ang ‘Magnificent 7’ na hindi makakaapekto ng malaki sa mga commuters ang transport strike. Ilan nga sa mga ito ang nagpahayag na hindi na uso sa panahong ito ang tigil-pasada, marahil sa dami na rin ng mga modernize PUVs na tumatakbo sa lansangan.

Ayon nga kay ALTODAP president Boy Vargas na kanya ding sinabihan ang Manibela at PISTON na hindi na uso ngayon ang transport strike at mag-consolidate na lamang para sa modernisasyon.

Hindi na dapat pang pahirapan ng mga driver at operator ang mga commuters dahil binigyan naman ang lahat ng hanay ng transportasyon na mag- consolidate at ilang beses na rin itong na-extend.

Maging sa mga pasahero eh manhid na rin sa ganitong mga pagbabanta, dahil nga sa inihandang libreng sakay ng pamahalaan at ng LGUs.

Nabanggit na natin sa kolum na ito bago pa magtapos ang mahabang extension na ibinigay ng pamahalaan para sa consolidation, darating uli ang ganitong eksena na banta ng tigil-pasada.

Hihirit na naman ng panibagong pagpapalawig para dito.

Sa tagal ng panahon hindi pinag-usapan, sige lang ang biyahe, pagmalapit na ang deadline doon na magbabanta ng mga pagkilos na lubhang naaapektuhan eh ang mga commuters.

Nanindigan naman ang gobyerno na pinal na ang April 30 deadline sa PUVs consolidation at pagsapit ng Mayo 1, ang hindi nagpa-consolidate ay maituturing ng kolorum at hindi na pwedeng pumasada.

Ngayong araw ding ito, kasabay sa pagsubaybay sa tigil-pasada, ipapatupad na rin ang pag-ban o pagbabawal sa mga light electric vehicles o e-vehicles sa mga national roads sa National Capital Region (NCR).

Kabilang dyan ang e-trike, e-bikes, tricycle, kuliglig at iba pang kahalintulad nito.

Magiging busy ang mga enforcers sa mga paiiraling mga bagong patakaran sa lansangan.

Sana naman kahit papaano eh makatulong ito para maibsan ang lumalalang trapik sa Metro Manila at mabawasan din ang nagaganap na trahedya sa mga pangunahing lansangan.

Aantabay tayo sa mga magiging kaganapsn sa mga kalsada sa araw na ito.

vuukle comment

PISTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with